13

259K 8.8K 11.4K
                                    


"Kinakabahan ka na ba para sa finals?"

Nakasandal ang pisngi ko sa may notebook habang nakaharap kay Yori. Nasa library kami at nag-aaral para sa exam mamaya. May lollipop siya sa bibig niya at naka-focus sa pagbabasa ng libro. Tapos na ako kaya nangungulit na lang ako sa kanya. 

"Which one?" tanong niya. 

"Parehas." Dalawa nga pala ang lalabanan niya. Siguro mas nakakakaba 'yon, lalo na at magkasunod pa. 

"I'm not nervous about the e-games," mayabang na sabi niya. "I can hard carry if I have to." 

"Ang yabang mo!" Pabiro ko siyang tinulak sa braso. "Eh, sa debate? Huwag mong sabihing bubuhatin mo ako. Duh! Ikaw pa ang buhatin ko!" 

"Lakas mo naman," sarkastikong sabi niya. 

"So, pagkatapos na pagkatapos ng e-games competition mo, aalis ka na, 'no? Paano ka pupunta sa venue ng debate kung maiiwan 'yong mga teammates mo roon?" Kasi isa lang iyong service nila kaya hindi naman niya pwedeng dalhin 'yon. 

"The other coach has a motorcycle. Ihahatid daw niya ko. Mas mabilis," sagot niya habang nagbabasa pa rin. 

"Huwag kayo masyadong magmadali," paalala ko sa kanya. 

Bumalik na rin kami sa klase para sa exam. Madali lang naman. Hindi naman ako masyadong nahirapan at pakiramdam ko ganoon din si Yori kasi ang bilis niyang natapos. Parang hindi na nga siya nag-double check ng sagot at nagpasa na kaagad. Na-pressure tuloy ako! Binilisan ko ang pag-check ng mga sagot ko at nagmamadali ko ring pinasa. Hindi na kami nagsasabihan ng score. Nalalaman ko lang ang score niya kapag may exchange papers. 

Hindi ko pa rin nga maalis sa isip ko kung sino ang magiging top one sa class. Nakyu-curious ako kung mas mataas ba si Yori sa akin... Siyempre, mahalaga pa rin sa akin 'yon kasi running for class valedictorian ako sa graduation. Iyon na ang goal ko... pero hindi ko naman masabi kay Yori dahil ayaw niya ngang nakikita ko siya as my rival. 

Simula noong napunta kami sa ganitong set-up, nabawasan na ang pagiging competitive ko sa kanya, pero hindi pa rin naalis sa akin ang pagiging grade-conscious, siyempre. Kailangan ko 'yon. Kailangan ko ng magandang academic standing. Mahalaga pa rin sa akin ang grades ko, iyong academic excellence ko. Hindi ko naman maaalis 'yon. Hindi ko lang malabas dahil baka magalit siya. 

Hindi roon umiikot ang mundo ko dahil nariyan si Yori. Pinapahalagahan ko siya pero malaking parte pa rin ng buhay ko ang acads. Hindi ko pa alam kung paano ko siya kokontrolin... kung tama ba ang ginagawa ko... kung nawawala na ba ako sa sarili ko. Minsan, napapaisip ako kung ako pa ba 'to dahil alam kong nagbabago na ako. 

"Ano'ng iniisip mo?" tanong ni Yori habang naghihintay kami sa labas ng debate room. Wala pa ang trainer namin, eh. 

"Wala naman..." Hindi ko masabi sa kanya. Iniiwasan ko na lang ang acads na topic dahil hindi ko alam kung alin ba roon ang ayaw niyang marinig. 

Dumaan ang linggo na wala namang nagbabago sa routine ko. Pagkatapos ng klase, may training dahil nga nalalapit na ang finals. Hindi naman ako napapagod sa school, pero habang mas lumalapit ang competition, parang mas bumibigat ang pakiramdam ko. Siguro sa kaba na rin kaya ganoon. Iyon na, eh. Iyong pinapangarap ko.

"Mommy, Daddy, December 12, ha! Punta kayo sa competition ko!" paalala ko sa kanila habang kumakain kami ng dinner. Ang alam ko may gagawin sa school si Kye noon kaya hindi siya makakapunta. 

"Of course, we will go. We can't miss that," sabi ni Dad.

"Galingan mo, bebe ko! Proud na ako sa 'yo, ngayon pa lang!" Pinisil ni Mommy ang pisngi ko. 

An Old Summer Daydream (Old Summer Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon