12

256K 7.9K 12.8K
                                    


"This is important to me, Yori! Gawan mo naman ng paraan, oh..." 

Nagtatalo kami ni Yori sa loob ng headquarters. Kaming dalawa lamang ang naroon habang nasa labas ang instructor namin. Hinintay ko talaga siyang lumabas bago namin pinag-usapan ni Yori ang tungkol sa finals.

"Estella, I also don't know what to do. I don't know how it will work," Yori said, getting frustrated too, but he still tried to lower his voice. 

Estella, huh.

"Kaya nga sinasabi ko sa 'yong gumawa ka ng paraan. May paraan naman ang lahat, 'di ba? Sabi mo importante rin sa 'yo 'tong debate. Kailangan mo 'to para sa dream program mo... Hindi ba pwedeng pumili?" Nagiging desperate na rin ako. Hindi gumagana ang utak ko para mag-isip ng ibang solusyon. 

"That's so selfish, Estella. I can't leave my team."

"But you can leave me?" 

Napatingin siya sa akin, gulat at parang nasaktan sa sinabi ko. Katahimikan ang bumalot sa aming dalawa. Wala ni isang nagsasalita. Nag-init ang mukha ko dahil sa halo-halong emosyon. Inis, frustration, pain... Ako rin ay hindi alam ang gagawin ko. 

Napamasahe siya sa sentido niya habang nakaupo at ako naman ay nakatayo sa harapan niya. "It's not like that. Please... Don't make me choose. I'm going to find a way to attend both events." 

"At kung wala? Kung kailangan mong pumili, ano ang pipiliin mo?" tanong ko.

Napabuntong-hininga siya. "Estella-"

"Just answer, Yori. What is more important to you?" 

"I don't like your way of questioning right now," seryosong sabi niya at matalim akong tiningnan. 

"What's the answer?" malamig na tanong ko ulit at pinagkrus ang braso sa dibdib ko. 

"Stop it," he hissed. "Let's cool down and talk about this next time." 

Pumasok ang instructor namin kaya natigil kami. Nariyan na raw ang sundo namin. Sumakay kami ni Yori sa may school bus. Umupo siya roon sa may harapan, at umupo naman ako sa likod. 

"Congrats, YorElla!" sabi ng ibang ka-team namin sa debate. Naroon na rin pala sila. Galing sila sa separate competition. "Ay..." Binawi rin nila iyon nang makitang seryoso ang mukha namin ni Yori at hindi nagpapansinan. 

Nagsuot na lang ako ng earphones habang pabalik ng school. Nang makarating, isa ako sa mga pinakahuling bumaba. Umupo ako sa waiting shed para hintayin ang sundo ko. Si Yori ay nakatayo pa rin sa gilid ng waiting shed, medyo malayo sa akin. 

Nilakasan ko ang music sa earphones ko para hindi siya marinig kung sakaling kakausapin niya ako. Ito na ang unang seryosong away namin sa ganitong... set-up. 

Hindi naman niya ako kinausap hanggang sa dumating ang sundo ko. Tuloy-tuloy lang akong pumasok sa sasakyan at sinara ang pinto. Sumilip ako sa likuran nang umandar na ang kotse. Nakita kong nakapamulsa nang naglalakad si Yori pauwi at nakayuko kaya hindi ko makita ang mukha niya. 

Pag-uwi ko, hindi ako pagod sa debate. Pagod ako roon sa away namin ni Yori for some reason. Napabuntong-hininga ako habang kumakain kami ng dinner. Naghanda si Mommy para i-celebrate ang pagkapanalo ko sa semi-finals. 

"What's wrong, Nat?" tanong sa akin bigla ni Daddy kaya natauhan ako. "You keep on sighing."

"Ah, wala po!" Ngumiti ako sa kanila at nagkunwaring masigla ulit. "Pagod lang, hehe!" 

Pagkatapos kumain ay naghanda na ako para matulog. Hindi na nagtanong sina Mommy kahit halata namang may iniisip ako. Habang tinatanggal ko ang comforter ng kama ko ay nakita kong nag-message si Yori. 

An Old Summer Daydream (Old Summer Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon