Chapter 12: We are now

709K 19K 3.5K
                                    

Angel's point of view

"So.. ayon nga." Sambit ko kay Kiro habang nag vi-video chat kami. Sinabi ko sakanya lahat ng nangyari kahapon, about Caleb defending me against Anya. "What do you think?"

"Well, that's enough reason for you to give him a chance. Hindi madaling taluhin ang best friend mo. It takes a lot of courage and as what I can see, he really wants to be your friend." Seryoso niyang sabi. "Why don't you give him a chance?"

Tinignan ko lang siya habang pinagiisipan ko ang mga sinabi niya. Maybe I really should give him a chance after what he did. "Yeah, I guess he deserves it after all. Mamaya kakausapin ko siya." Sambit ko.

"Yeah, talk to him. Mag enjoy ka naman habang nandyan ka. Palagi ka na lang stressed. Baka pag uwi mo dito, mukha ka ng losyang." Tinawanan niya pa ako.

"Ah ganon? Kapag uwi ko dyan, humanda ka sakin." Sinamaan ko siya ng tingin pero tinawanan pa din niya ako. "What a best friend." Bulong ko sa sarili ko.

"Okay Trix, got to go. Ihahatid ko pa si Cyrene sa school."

"Uhh, what a sweet husband." Pang aasar ko. Para naman makabawi ako. "Okay, go ahead you playboy."

"Whatever, Trix." In-end na niya 'yong video call. Yes, I win. Alam ko na talaga ang kahinaan niya. Natawa tuloy ako.

"Breakfast."

Sa gulat ko nahulog ako sa kama ko. Unang bumagsak ang balakang ko. Hindi agad ako nakatayo dahil sa sakit.

"Bilisan mo, we're waiting for you." Sambit ni Skie at umalis na siya even without helping me. What a jerk.

Sana man lang tinulungan niya ako, siya naman may kasalanan kung bakit ako nalaglag eh. "Ang sama talaga ng ugali ng dating Skie. I hate it." Humawak ako sa kama ko para makatayo.

Nahirapan man ako, nagawa ko pa din na makababa. Thanks to Skie nahihirapan ako ng ganito. Konti na lang, papatulan ko na talaga siya. Kulang pa yong pang babalibag ko sakanya dati. Sayang nga lang, hindi pa bumalik ang alaala niya dahil don.

"Angel, ayos ka lang ba?" Tanong sakin ni Tita Serina pag dating ko sa dining room. "Mukhang hirap ka maglakad? May nangyari ba?" Ngumiti ako at tumabi sakanya.

"May pusa po kasing nang gulat sakin kanina kaya nahulog ako sa kama ko." Sagot ko habang nakatingin ako kay Skie. Poker face lang siya habang kumakain. "Okay lang po ako."

"May pusa ba sa bahay, sweety pie?" Tanong niya kay Tito Charles. "Alam ko puro aso lang ang meron tayo dito."

"Skie, may alam ka bang pusa sa bahay?" Tanong ni Tito kay Skie. Nagkatingninan tuloy kaming dalawa. Gusto kong tumawa pero hindi ko magawa. "Sayo ba 'yong pusa na 'yon?"

"I don't know. Baka ligaw lang na pusa." Sagot niya.

"Oo nga pala, uuwi next month si Kiro dito. Magbabakasyon siya." Singit ni Tito Charles. Nagkaroon ng katahimikan. "I expect you'll be good to him, Skie." Tinignan namin si Skie pero parang wala siyang narinig at nagpatuloy lang siya sa pagkain niya.

"Angel, balita ko mga may girlfriend na si Kiro don sa States, kilala mo ba siya?" Tanong ni Tita. Tumango muna ako dahil ngumunguya pa ako ng pagkain. "Balak nga namin sumamama sakanya sa States after ng bakasyon niya dito." Nabulan pa ako dahil sa narinig ko. "Ayos ka lang ba?"

Kumuha agad ako ng isang basong tubig. "Sorry Tita, nagulat lang po ako. Opo may girlfriend na po siya pero mas mabuti po siya na lang ang mag kwento sa inyo." Uminom ulit ako ng tubig. Naku, lagot si Kiro pag nagkataon.

"Mauna na po ako, may practice pa kami sa soccer. Bye Dad, bye Mom." Tumayo si Skie, "Sasabay ka ba sakin?" Tanong niya sakin. Aba anong nakain niya at isasabay niya ata ako ngayon?

Breaking the Bad Boy (Published with TV adaptation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon