Chapter 46: Last two pages

517K 16.4K 5.9K
                                    


Skie's point of view


"Skie! Halika ngang bata ka! Bakit nasa labas ka?" Tawag sakin ng yaya ni Anya. "Nasa taas pa si Anya. Naliligo pa siya pero pwede ka naman pumasok dito sa loob. Malamig diyan sa labas." Ngumiti lang ako sakanya kaya lumapit siya sakin at hinili niya ako papasok sa loob.

"Nanay Tessa naman, okay lang naman ako sa labas eh. Sabi ni Anya duon na din ako maghintay dahil maliligo lang siya pagkatapos aalis na din kami."

"Malamig sa labas at baka magkasakit ka pa. Puntahan mo na lang si Anya duon sa kwarto niya at duon ka maghintay. Okay?" Tinignan niya ako na parang wala na akong dapat i-angal pa. Okay fine, she wins. "Gusto mo ba ng juice?"

"Nope, I'm fine. Thanks Nanay Tessa."

Dumiretso ako sa kwarto ni Anya. Bukas naman 'yong pinto niya kaya pumasok na ako. Kumakanta pa siya habang mag sho-shower. Hindi ko na lang muna sinabi na nandito ako para hindi siya tumigil sa pagkanta niya. Natutuwa talaga ako sa tuwing naririnig ko siyang kumakanta.

Umupo lang ako sa kama niya. Hobby na ni Anya 'yong patayin 'yong AC kasi paglabas niya sa banyo, lalamigin siya. Binuksan ko na lang 'yong fan dahil naiinitan na ako.

Dahil sa pagbukas ko ng fan, may natangay na dalawang piraso ng papel. Kinuha ko 'yon agad dahil baka mamaya importante 'yon kay Anya.

"Dear diary?" Bulong ko sa sarili ko.

Kailan pa ba nagkaroon ng diary si Anya? Siguro hindi naman masama kung babasahin ko siya. Open naman kaming dalawa sa isa't-isa.

Dear diary,

Nagkamali ako. Hindi totoo na niloko ako ni Trix. Set up lang lahat ng 'yon. Ang tanga tanga ko dahil naniwala ako sa dalawang 'yon. Isang malaking pagkakamali na makipag break ako sakanya. Mahal na mahal ako ni Trix at galit na galit ako sa sarili ko dahil hindi ko siya pinaniwalaan. Pupunta ako ngayon sa apartment niya para ayusin ang pagkakamali ko.. sana hindi pa huli ang lahat para sa amin.. mahal na mahal ko siya.

Biglang sumakit 'yong ulo ko. Anong ibig sabihin nito? Sigurado ako, sulat kamay ko 'to at kaparehong kapareho nito 'yong klase ng papel nung nasa diary ko. Isa ba 'to sa mga pages don sa diary?

Hindi ko pa din ma proseso sa utak 'yong mga nakasulat sa papel na 'to. I was dumbfounded.

Narinig ko 'yong pagbukas ng pintuan ng banyo ni Anya. Sa sobrang pagkataranta ko, nailagay ko na lang sa bulsa ko 'yong papel.

"Babe? What are you doing here?" Gulat na gulat siya na makita ako dito. "Akala ko ba sa labas mo na ako hihintayin?"

"Pinapasok ako ni Nanay Tessa."

Lumapit siya sakin pagkatapos pinulupot niya 'yong kamay niya sa bewang ko. "Bagong ligo ako, gusto mo ba dito na lang tayo? I miss our make love babe." Hinalikan niya ako sa labi ko papunta sa leeg ko pero pinigilan ko siya.

"Actually babe, biglang sumama 'yong pakiramdam ko. Okay lang ba kung bukas na lang tayo kumain sa labas? Itutulog ko na lang muna 'to." Kitang kita sa mukha niya 'yong disappointment. I hate lying to her but I need to talk to Angel. "I'm really sorry babe. Promise, babawi ako sayo."

May binulong siya pero masyadong mahina 'yon kaya hindi ko naintindihan kung anong sinabi niya. "That's fine babe, iinom na lang kami nila Krystal sa labas. Magpahinga ka na at magpagaling ka ha? Tatlong araw na lang pageant na."

Breaking the Bad Boy (Published with TV adaptation)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon