Pag-asa

56 4 1
                                    

Sa tuwing ika'y iiyak,

Sa oras na puso mo'y nabibiyak,

Sa halip na hintayin ang pagputi ng uwak,

Hindi ba't pag-asa sayo'y nakahawak?

Kapag nabigo ka,

Kapag nawalan ka,

Hindi ba't nagsusumamo ka?

Nasaan ang katiting na pag-asa?

Sa pag-ibig ba,

Hiniling mo rin bang may pag-asa?

Na ang taong mahal mo noong una,

ay siya pa rin hanggang maging kayo na?

Isang salita, anim na letra,

Nagbibigay-lakas at sigla.

Sa ano mang uri ng sakuna,

Nasa puso lang natin ang katagang - Pag-asa!

Puso at DamdaminTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon