Manunulat, Makata

116 13 7
                                    

Manunulat, makata, kung sila ay tawagin,

Mapa nobela man or tula ang kanilang gawin,

Mapalikhang isip man o mula sa puso nila ang susulatin,

Nakapagbibigay inspirasyon sa maraming nais na maging manunulat rin.

Iba't ibang guhit man ang kanilang ginagamit,

Iba't ibang pagkakakilanlan man kung sila ay ating hanapin,

Sa malapitan man o malayo tayo ay lumalapit,

Upang makakuha ng kanilang lagdang lubos nating pinakamithiin.

Saludo ako sa mga manunulat na ang nais ay maisawalat,

Ang anumang talentong meron silang bigay ng Maykapal,

Hindi naging maramot, hindi naghahangad ng mataas na kapalit,

Kung hindi maging maligaya sa piling ng mga nagbabasang labis na nagmamahal.

Hindi mo kailangang ipagsigawan sa buong mundo na magaling ka.

Hindi mo kailangang sabihin sa buong madla na marami ka ng nalikha.

Pasalamatan mo kung anong meron at meron ka pa.

Dahil minsan lang dumating sa buhay natin ang isang nakagandang regalong Diyos ang nagbiyaya.

Puso at DamdaminTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon