Pangarap Ko Ang Ibigin Mo

59 3 1
                                    

Matagal na kitang kilala.
Panahon na ang binilang ko, Simula nang tayo ay magkita.

Matatamis na ngiti sa iyong labi,
Malalambing mong salitang nakabibighani,
Nakaukit mula noon hanggang ngayon sa akin, O binibini.

Simple lang naman ang pangarap ko.
Ang ibigin mo ako nang tapat at totoo,
Upang sa huli ay maging ikaw at ako.

Mananatili kang mahal,
Ikaw ang lagi kong dinarasal,
Na sana ay dinggin ng Maykapal.

Sana ang pangarap ko'y ibigin mo.

Puso at DamdaminTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon