Ngayong Nandito Ka

117 15 3
                                    

Bago po basahin, patugtugin po natin ang kantang "Ngayong Nandito Ka" ni Divo Bayer.

Akala ko hindi na ako makakatagpo,

Ng isang taong magbabago sa takbo ng buhay ko.

Isang taong mapagkakatiwalaan ko,

Mamahalin at magiging gabay sa puso ko.

Nang makilala kita, hindi na ako nagdalawang isip pa.

Sinuyo kita, niligawan ng kusa.

Minahal sa kung ano at sino ka,

Hindi inalintana ang sasabihin ng iba.

Hindi ko hinangad noon na agad ako'y mahalin mo.

Gusto ko lang maramdaman mong ako'y nagpapakatotoo.

Ang mahalin ka ng buong buo

Ay sapat na para buhayin ang natutulog kong puso.

Pero hindi ko inasahang minahal mo ako,

Minahal ng tapat, tunay, at totoo.

Hindi hinusgahan sa kung anong nakaraan meron ako.

Ipinaramdam mo rin ang pagmamahal na ibinigay ko sa iyo.

Ngayong nandito ka, hindi na ako mag-iisa.

Ngayong nandito ka, puso ko'y tuloy tuloy sa ligaya.

Ngayong nandito ka, ano pa ba ang hahanapin ko sinta?

Ngayon nandito ka, wala na akong mahihiling pa.

Mahal na mahal kita,

Asahan mong hindi ka mag-aalala,

Mahal na mahal kita,

Higit pa sa buhay kong minsan nang napariwara!

Puso at DamdaminTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon