Chapter 5

150 5 0
                                    

Friend

I was breathless. We were breathless. Seryoso ang mukha niya ngunit hindi ko naman maunawaan ang ngiting gumuguhit sa mga labi ko. Nakaawang ang mga labi niya nang nagsalubong ang mga kilay.

"Damn, girl," aniya bago akong tuluyang pinakawalan. Pula at basa ang mga labi niya. Hinawakan ko ang akin at pinakiramdam ang bahagyang pamamaga noon.

"Do you usually kiss your friends?" I asked out of curiosity. I guess the delight was because of my enthusiasm to be considered as someone's friend except for Caddy.

Nanliit ang mga mata niya. Umiwas ng tingin at marahas na pinunasan ang labi gamit ang braso. Ngumuso ako.

"Stay away from me from now on before you regret it."

"I doubt it," mabilis kong sagot, bakas ang determinasyon sa tono ko. Kunot noo siyang nagbalik ng tingin sa akin. "I have you as my friend now, why would I regret it? And what? Ako lang ang magsisisi, ikaw hindi?"

Sa hindi ko malamang dahilan ay hindi siya makapaniwalang tumitig sa akin. Akmang tatayo ngunit mabilis kong hinawakan sa braso upang pigilan. Subalit kasabay ng paglapat ng palad ko sa kanya ay ang marahas din niyang paghawi sa akin. Bumagsak ang mga kamay ko sa espasyong iniwan niya.

Startled, I stared down at the soft cushion.

"I'll leave as soon as I... healed," he announced. I blinked and looked up at his glowering face. Kuyom ang panga habang dinudungaw ako.

I straightened in my seat and nodded. "Ayos lang sa 'kin. You're always welcome here as my friend, too—"

"We're not—"

"You kissed me twice now. Hindi mo lang siguro masabi but your kisses meant you like me. Sometimes, our actions speak for ourselves. Kapag may mga bagay rin akong gustong sabihin kina mommy at hindi ko alam kung paano, I either kiss or hug them. Ganoon din sa'yo. You see me as your friend now and—"

He scoffed. His eyes wide with utter disbelief. Nagkibit balikat ako tumayo para lumipat sa computer desk ko.

"I have my classes for today. Kumain ka muna nang kumain d'yan o matulog kung gusto mo. Don't worry, Yaya Let will knock and will not get in without my permission again."

Hindi siya sumagot. Kalaunan ay naging abala rin ako. Hindi ko na namalayan ang oras nang isuot ko ang headphone at nag-focus sa klase.

The class ended with a question we must answer in an essay form. I was busy typing my output when the green apple came into my view. Marahan iyong inilapag ni Elias sa mesa ko. Binalingan ko ang camera at hindi naman siyang nahahagip dahil nakatayo sa gilid.

I smiled and bit my lower lip as I looked up at him. Nakabusangot naman siya bago ako tinalikuran para bumalik sa kinauupuan niya. Hindi ako pwedeng kumain habang nasa klase kaya mabilis kong tinapos ang gawain. The class soon ended once everyone was done. Masigla akong nagpaalam sa lahat bago nag-out. I turned off the computer and stood to get to Elias. Ang green apple ay nasa kamay ko. Nang magtama ang paningin namin ay kumagat ako sa mansanas. Pabagsak na naupo sa tabi niya.

"Nainip ka ba? You can borrow my laptop and watch some movies. Just use the other headphones."

Hindi siya sumagot. Hindi na niya ginalaw ang ibang pagkain. Tanging iyong sandwich at chips lang. Siguro ay bumawas din ng saging.

Mabigat siyang bumuntong hininga at isinandal ang ulo sa sofa bago pumikit. Ngumuso ako. Kinuha ko ang remote at sumandal din sa sofa. I turned on the TV and searched for a better channel when suddenly, his hand wrapped around mine. Kinuha niya ang remote at pinatay ang TV. Nang lingunin ko ay nakapikit na muli, ang remote ay inilagay sa kanyang tabi at malayo sa akin.

Bad ScarletHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin