Chapter 1

567 20 0
                                    

Eighteen

"W-What are you doing here?" I asked the shadow standing in the middle of my room. May isang minuto rin marahil akong nakasandal sa pinto, halos mapilas ang mga labi sa laki ng ngiti bago napuna ang presensyang iyon. It rose from the sofa before it staggered closer to me. Mabilis kong binuksan ang ilaw at tumambad sa akin ang matalim na tingin ng estranghero.

His right hand was flat against his left arm. Lukot ang mukha sa iniindang sakit. The sight of blood on his face and hands sent me to move. Halos takbuhin ko ang distansya namin para marating siya bago pa siya bumagsak sa sahig.

"What happened? Ang dami mong dugo!" I exclaimed in a breath habang marahan siyang inaalalayan, nag-aalalang makahawak ng parteng masakit sa kanya. He grimaced at me. Dalawang lingon ang ginawa ko sa maliit na kutsilyong pilit niyang inaangat bago hinawakan ang panga niya para mapagmasdan ang pasa sa kanyang pisngi. "Were you playing with this knife?... Ano naman ang nangyari sa mukha mo? Come here. Maupo ka muna ulit."

Pahirapang ibalik siya roon dahil sa bigat. Mabuti na lang na napigilan ko ang sariling bumagsak kasama siya kundi ay lalo ko siyang masasaktan. Hawak pa rin niya ang kutsilyo kaya yumuko ako upang kunin iyon. Ngunit agad niyang hinawakan ang kamay ko upang pigilan.

"Hindi ka dapat naglalaro ng kutsilyo. You'll definitely get yourself hurt," pangaral ko na parang bata ang kausap gayong kitang-kita ang agwat ng edad namin sa tangkad at itsura niya. Ngunit tiyak ding hindi nalalayo ng maraming taon.

He leaned back on the headrest and frowned. Buntong-hiningang muli kong kinuha ang kutsilyo at malaya naman niya iyong ibinigay. Ipinatong ko iyon sa center table sa harap ng sofa.

"Stay here for a while. Tatawagin ko lang sina daddy para makahingi ng-" I was about to turn when a strong hand tugged on my arm. Mabilis akong bumagsak sa harapan niya. Pinigilan ko ang pagbagsak ng kamay sa kanyang balikat at imbis ay sa sandalan ng sofa kumapit.

His eyes squinted into a slit. Mariin ang pagkakuyom ng panga habang unti-unti ring dumidiin ang mga daliri sa braso ko.

"You look bad. Tatawagin ko sina daddy. Matutulungan ka nila at-"

"Don't you fvcking dare..."

Hindi ko alam kung dahil sa malalim na boses o pagmumura niya ang dahilan nang malakas kong pagsinghap. Pero hindi iyon naging dahilan para mawala ang awa ko sa kanya. I sat next to him. Sumibol ang pagtataka sa kanyang mukha.

"You don't want me to call them?" marahang kong tanong. "What do you want me to do then? Hindi ko naman alam kung paano-right! May first aid kid ako sa..." I trailed off at his constricting grip once again around my wrist. Hindi niya ako pinakawalan at imbis ay dumilim ang tingin. "Hindi ako lalabas. Nasa bathroom lang. Kukunin ko." Itinuro ko sa kanya ang pinto sa kanan. Hindi niya iyon nilingon, nanatili lang na nakatitig sa akin. Malinaw ang hindi pagtitiwala ngunit kalaunan ay binitawan din ako.

I don't remember ever using the first aid kit for myself. Hindi naman ako nasusugatan nang mag-isa dahil doble ang pag-iingat ko hanggang maaari. Kung minsan naman ay tatakbo kaagad ako kina mommy o Yaya Let para humingi ng tulong.

But the guy doesn't need me to call for anyone's help kaya naman walang choice kundi ako na lang. Kahit papaano naman ay alam ko ang gagawin.

"Sa'n ka pupunta?" tanong ko sa lalaki nang maabutan siyang patungo sa veranda.

Inilapag ko ang kit sa mesa at dinaluhan siya. Isinara ko ang salaming bintana na hindi ko namalayang bukas at hinawi ang kurtina. Nang harapin ang lalaki ay namilog ang mga mata ko sa kutsilyong nakatutok sa akin.

"Why..." akmang kukunin ko iyon nang sumugod siya at itinulak ako sa salaming bintana. His strong hand clasped down on my mouth. Ang talim naman ng kutsilyo ay malapit sa leeg ko.

Bad ScarletOù les histoires vivent. Découvrez maintenant