Chapter 8|| The Questions

6 3 0
                                    

Nakatulala ako sa bintana at malalim ang iniisip ng kalabitin ako ni Deam.

"Brielle, sorry." Yumuko siya at mukhang malungkot. Gano'n din sila Leced ng tignan ko.

"Para saan?"

"Napagalitan ka ng mommy mo nang dahil sa amin."

"It's okay. Hindi niyo naman kasalanan 'yon." Nabanggit ko kasi kaninang nagalit si Mommy sa akin pero hindi ko expect na sisisihin nila ang kanilang sarili.

"Pero kung sinabi namin na kasama ka namin, hindi ka mapapagalitan." Si Sadie.

Ipiniling ko ang aking ulo. "No. It's not your fault guys, I'm the wrong one, I lied to my Mom and I even use you."

"Sana maging okay na kayo."

Ngumiti ako sa kanila.

Hindi ko naabutan si Mommy kanina at si Dad lang ang nandoon. Ang sabi niya pumunta raw ng opisina.

"Mabilis lang naman mawala ang galit niya kaya 'wag na kayong mag-alala."

"But where have you been yesterday, Brielle? You said it was important."

Natigilan ako sa tanong ni Frankel. Hindi ko pwedeng sabihin sa kanila na kay sir Kravei ako nagpunta. At mas lalong hindi nila pwedeng malaman ang nalaman ko.

"I-I just..." Damn! I can't think of an excuse.

"Good morning, everyone." Napatingin ako sa pinanggalingan ng boses at si sir Kravei ang nakita ko.

Umayos ng upo sila Frankel kaya lumuwag ang aking paghinga. Sir Kravei just saved me from Frankel's question.

Gumuhit ang kaba sa aking dibdib ng magtama ang mga mata namin ni Sir Rai. His sugar-gray eyes were staring at me coldly.

Pumikit ako at isinantabe na lang iyon.

Last sub na ng exam namin today, pero si Sir Kravei ang magbabantay sa 'min.

Siyempre tulad ng sa ibang sub nanghula lang din ako.

Hanggang sa matapos ang klase ay nakatitig lang ng matiim sa akin si sir Rai. Just what the fuck is wrong with him?

"Tara, Brielle?"

"Saan?" Takang tanong ko.

"Canteen bago umuwi."

"Alright."

Pagdating sa canteen ay nag order lang kami. Kaumay na mga pagkain dito sa totoo lang pero wala naman kaming choice.

"Guys uuwi na ba kayo after natin kumain?" Si Frankel na kakadating lang galing banyo.

"Bakit, gala tayo?" May ningning sa mga mata ni Leced.

"Oo sana if available kayo." Sagot niya pagkaupo.

"G ako." Si Leced at Deam.

"Ahm, sige sama ako." Si Sadie.

Nagtinginan silang apat sakin ng hindi ako sumagot.

"I'm sorry guys alam niyo naman na galit si Mommy kaya kailangan kong umuwi ng maaga." Malungkot na sabi ko.

Well, that isn't true. I need to go to the cafe.

Sumimangot sila. "That's sad to hear but we understand."

Sorry guys pero kailangan kong pumunta kay sir Kravei. 'Yung mga titig niya kanina parang sinasabi niya na kailangan kong pumunta.

Nang matapos kaming kumain ay lumabas na kami at nauna na akong nagpaalam sa kanila dahil baka abutan ako ni kuya Tilyos.

Her Lost Soul Where stories live. Discover now