Chapter 7 || The Revelation

7 3 0
                                    

Agad akong nag-paalam sa mga kaibigan ko nung uwian na. May mga gusto silang itanong pero pinigilan ko, ayaw ko munang sagutin kung ano man ang gusto nilang itanong dahil masiyado ng masakit ang ulo ko.

Pagpasok ng mansyon ay naabutan ko sa sala ang parents ko. It looks like they are waiting for me.

"Brielle, honey." Lumapit ako sa kanya at mabilis niya akong niyakap.

"Your professor called and told us what happened at your school, what happened?" Ani Dad na bakas sa emosyon ang pag-aalala.

"Pwede ba paupuin mo muna ang anak mo?" Sabi ni Mom sabay irap kay Dad. Bahagya akong napailing, hindi pa rin sila ayos.

Umupo ako sa tabi ni Mommy at matamang napa-buntong hininga.

"Are you okay?" Malumanay na tanong ni Mommy.

Ipiniling ko ang aking ulo at umangat ng tingin sa kanila.

"I'm tired." Maiksing sagot ko.

"You can tell us, honey."

Umiling akong muli. "You're not going to understand."

"Hon-" Mabilis akong tumayo. "Magpapahinga na po ako." Putol ko sa sasabihin ni Mommy.

Tumalikod na ako at naglakad paakyat ngunit naririnig ko pa rin si Mom at Dad na tinatawag ako.

Sumandal ako sa likod ng pinto pagkapasok ng kwarto at ipinikit ang mga mata.

Ano nga ba ang problema? Saan nga ba ako pagod?

Nasapo ko ang sariling ulo at walang buhay na dumilat. Nararamdaman kong nagbabadya ang luha sa aking mga mata kaya napakagat ako sa aking labi upang pigilan ito. Ganito naman ako, masiyadong mahina at emosyonal.

Naglakad ako patungo sa kama at pabagsak na nahiga sabay na muling ipinikit ang mga mata. Good thing dahil mabilis akong naigupo ng antok.

Mabilis na napamulagat ako dahil sa tunog ng alarm. Namumungay ang mata na tinignan ko iyon sa bed side table.

Tamad na tumayo ako at nagtungo sa banyo, alas singko na ng madaling araw. Hindi tulad kahapon na hapon lang ang pasok ko dahil nga sa isang subject lang ang itatake, ngayon kasi tatlo.

Nang presentable at maayos na ako ay bumaba na ako upang mag umagahan, kagabi kasi hindi na ako nakakain.

"Iha gising ka na pala, kain ka na." Aya ni Manang Lucile na nag preprepare ng breakfas- ko lang.

"Nasan po sila Mommy, hindi sila sasabay?" Tanong ko at umupo na.

"Naku hindi na, eh sa labas na lang daw sila kakain dahil pumunta silang opisina at may aasikasuhin daw."

Tumango-tango ako at mabilis na lang na kumain dahil baka ma late ako, istrikto pa naman ang prof namin ngayon.

Pagkatapos ngang kumain ay nagpahatid na ako kay kuya Tilyos.

Mabuti at mabilis lang kaming nakarating dahil walang traffic ngayon.

Pagdating sa room ay agad na hinanap ng mata ko sila Leced, iba ang pwesto nila ngayon hindi na doon sa may bintana.

"Hey, guys." Bati ko ng makalapit sa kanila. Sabay sabay naman na nagtinginan ang mga ito.

Bahagya akong napapikit upang ihanda ang aking sarili sa mga tanong nila dahil sure akong 'yon ang gagaw–

"Brielle, upo ka na at mag review may time pa naman." Nakangiting sabi ni Sadie.

"Uyy, oo nga para ma refresh ang utak mo." Gano'n din si Frankel.

Her Lost Soul Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon