Chapter 6 || Cunfusion

8 4 0
                                    


Pagka-uwi ay tumungo na akong agad sa aking kwarto dahil kaninang pagdating ko ay si Manang Lucile lamang ang narito.

Ayon kay Manang ay umalis si Mommy pero hindi sinabi kung saan. Samantalang si Dad ay may binili raw.

Akala ko naman nag flight na pabalik ng ibang bansa tulad ng madalas niyang gawin. E, di sana nagsasaya ako? Napailing na lang ako.

Pagtapos kong magpahinga ay naligo na ako. After that ay tumungo ako ng study room sa 3rd-floor upang tapusin 'yung reviewer ko at ibang activities.

Mayroon kasi akong sariling study room na ipinasadya talaga ni Mommy kaya lang ay nasa last floor nga iyon at ang kwarto ko ay nasa 2nd floor.

Pagkarating ay umupo ako sa swivel chair at sandaling nag check ng aking social media.

Wala naman kahit anong bago, sa messenger ay tanging sila Leced lamang ang message ng message. Ewan ko ba sa mga iyon.

Itinabi ko na lang ang phone ko pagtapos ay ginawa na ang dapat kong gawin.

Wala pang isang oras ay parang tamad na tamad na ako, langya naman kasi kung pwede lang tignan mo na lang ito at mapapasok na sa iyong isip e, di sana hindi ako na s-stress.

Sumandal ako sa upuan at sa hindi malamang kadahilanan ay napabaling ako sa gawing kanan, bigla kasi akong nilamig gayong nakapatay ang aircon. Napansin kong bukas na bukas ang bintana na binabalot ng dilim sa labas, kaya pala ang lamig.

Kumunot ang noo ko, paanong nakabukas ito? Binuksan kaya ni Manang? Pero impossible iyon dahil hindi siya pumapasok dito maliban sa akin.

At ang huling pasok ko dito ay one month ago dahil nga sa kwarto ko naman ako nag-aaral na gawa na rin ng katamarang umakyat dito.

Ang 3rd floor kasi namin ang pinaka hindi inaakyatan dahil limang silid para sa mga guest, dalawang banyo at itong study room ang naririto.

Bihira lang din ipalinis ni Mommy dito dahil nga sa walang natao.

Hindi bale na tatanungin ko na lang si Manang Lucile.

Pabalik pa lang ako ng upuan dahil sa isinara ko iyong bintana ng matigilan ako ng marinig kong may kumakatok.

Ako lang mag-isa sa bahay dahil nagpaalam na si Manang na uuwi. Maybe si Dad or Mom siguro?

Paglapit ko ay narinig ko nanaman ang katok. "Mom?" Tawag ko ngunit walang sagot. "Dad?" Tawag kong muli dahil baka ang Daddy ko iyon pero namayani lamang ang katahimikan.

Bumuga muna ako ng malalim na paghinga bago pinihit ang hawakan ng pintuan.

Isa... Dalawa... Tatlo!

Ngunit napatulala lang ako ng wala ni kahit anino ang bumungad sa akin sa harap ng pintuan.

Bahagya pa akong sumilip sa labas pero walang ibang bakas na may tao dito.

Sa mga oras na ito ay mabilis na pagtibok ng puso ko lamang ang aking naririnig.

Agad kong kinuha ang phone ko para bumaba na.

Sa first floor ako dumiretso para makainom ng tubig.

Bahagya akong nabigla ng makita si Mommy sa kusina at mukhang may niluluto.

"Mom?" Tawag ko sa kanya. "Oh, honey nandiyan kana pala?" Humarap siya sa akin.

Tinanguan ko lamang siya. "Kanina ka pa po ba dito?"

"Mga 15 minutes, bakit?" Napaisip naman ako, siguro kahit nandito na si Mommy mula kanina ay imposibleng kakatok siya sa pinto doon sa third floor at agad na makakarating dito sa baba hindi ba?

Her Lost Soul Where stories live. Discover now