PART FOURTEEN: Taking A Step Closer To You

8.1K 328 193
                                    

8 Years Later...

GUSTO KO NA MAMATAY!"

Umalingawngaw ang boses na iyon mula sa isang kwarto. Nang tingnan ko ay mula iyon sa loob ng Emergency Room.

"Ang sakit! Ang hapdi! Patayin n'yo na lang ako!" umiiyak sa sakit na sabi ng isang estudyante.

"Sana naisip mo 'yan bago mo 'ko hinila patawid, ano?!" galit na sagot ng isa pang lalaki na kasalukuyang tinatahi ng doktor ang sugat sa noo.

"Mamaaaa!" sigaw naman ng isa pang lalaki at humagulgol.

"Sir, 'wag ho kayong tumayo. Paano gagaling 'yang injury niyo?" sabi rito ng nurse pero puro reklamo at iyak lang ang lalaki. "At 'wag po kayong sumigaw. Lalong natatakot ang ibang pasyente."

Nakita ko kung paano kinuha ng nurse ang mga gasa na ginamit at punung-puno ang mga iyon ng dugo.

Sa paglabas ng nurse ng kwarto ay narinig kong muli ang mga naghahalong ingay—mga sigaw ng mga ginagamot na mga pasyente, mga iyak ng mga magulang na nag-aalala sa anak, at mga doktor at nurse na kaliwa't kanan ang ginagamot na ultimo pag-inom ng tubig ay hindi na magawa.

Paglabas ng nurse ng pinto ay nagtama ang paningin namin. Nang makilala n'ya ako ay umiwas siya ng tingin at nagpatuloy sa paglalakad.

Napailing na lang ako at pinigilan ang sarili.

Now is not the time, Maia.

Tiningnan kong muli ang mga pasyente mula sa pinto. Ang sabi, tumatawid lang ang mga ito sa pedestrian lane at ginagabayan pa ng traffic enforcer nang walang anu-ano'y humarurot ang jeep na animo'y nawalan ng kontrol at sabay-sabay na nasagasaan at nakaladkad ang mga tumatawid.

Tiningnan ko ulit ang cellphone ko at wala pang reply ang kaibigan kong nasa loob ng Emergency Room.

Understandable naman dahil napakaraming pasyente. Pero sana mabasa naman niya, baka ugatin na ako rito sa tagal.

"EXCUSE ME! EXCUSE ME!"

Bigla akong napa-gilid nang para bang bigla na lang dinumog ang emergency room. Awtomatiko akong napangiwi nang makita ko ang mga bagong dating na mga pasyente.

Tagaktak na mga dugo.

Lapnos na mga balat.

Mga iyak ng paghihirap.

Anong aksidente nanaman ang nangyari?

"HOY, ANONG NANGYARI?!"

Napatingin ako sa babaeng lumabas. Isa itong doktor at may katamtaman lang ang taas. Maikli ang itim nitong buhok at nakasalamin na bilog.

"Gumuho 'yong building nila, doc," pagpapaliwanag ng paramedics kasama ang ilang emergency personnel na isa-isang nagdaratingan at dala-dala ang mga biktima.

Sinalubong ang mga ito ng mga doktor at mga nurse na halata ang pagod sa mga mukha.

Ang mga paramedics ay mga trained healthcare professionals na handang mag-provide ng pre-hospital treatments and first aid the moment you called an ambulance.

Habang ipinapasok ang mga pasyente sa loob at nagkakagulo ang mga tao, ipinaliliwanag naman ng paramedic sa doktor ang nangyari.

"Bakit hindi naitawag sa amin 'to?" tanong ng babaeng doktor at kita sa mukha nito ang pagka-stress. "Kulang na kulang kami sa workforce at sa facility."

Napa-ismid ito nang makitang napakarami pang pasyente ang nasa labas at hindi na makapasok dahil wala nang espasyo sa emergency room.

"This could've been prevented kung na-notify po kami," dagdag ng babaeng doktor. "Napakarami pang tao sa labas—"

Taking A Step Closer To You Where stories live. Discover now