PART FOUR: THE END OF THE BEGINNING

5K 395 50
                                    

MY FATHER DIED.

He died at ako ang sinisisi ng buo kong angkan, lalong-lalo na ni Mama. Simula nang iburol si Papa sa bahay namin, wala na siyang ibang ginawa kung hindi ang ipamukha sa akin na kasalanan ko ang lahat.

Ipapahiya niya ako sa buong bisita kada makikita niya ako. Sa tuwing makikita niya ako, magsisimula siyang magalit at mag-eskandalo. Halos mahimatay si mama sa burol ni Papa sa sobra niyang galit.

Kaya nakiusap sa akin ang mga kapatid ko na huwag na munang magpapakita kay mama. Kahit masakit ay naintindihan ko naman. Kila Blaire muna ako nakitulog at bumibisita paminsan-minsan sa burol ni Papa kapag tulog si mama.

"WHAT?!" hiyaw ni Blaire nang makita akong umiiyak sa sala niya. "HINDI KA PINAYAGAN NG MAMA MO PUMUNTA SA LIBING NG TATAY MO?!"

Umiiyak na tumango ako. Pukunta ako sa huling lamay ni Papa kagabi at muling nag-eskandalo si mama.

Tumabi sa akin si Blaire at hindi maipinta ang mukha. Alam kong galit siya.

"Bakit naman daw?" she asked. "Anong rason niya?"

"Ayaw... niya lang akong makita," I said. "Ako ang sinisisi niya sa pagkamatay ni Papa..."

"As if kasalanan mong overworked ang tatay mo kaya nanghina ang katawan at nagtratrabaho kahit may sakit para lang matustusan ang bisyo ng nanay mong mukhang—grrr, sorry girl pero mukha talagang pera 'yang nanay mo."

Lalong nangilid ang luha sa mga mata ko. Sa tuwing maaalala ko kung paano naghirap si Papa para lang kumayod, grabe ang lungkot na nararamdaman ko.

Hindi naman sa sinisisi ko si Mama, pero kung pinagpahinga na rin sana niya si Papa sa bahay at hindi na pinagtrabaho, kung sana ay nakuntento na siya sa perang ibinibigay ko, baka sana ay hindi nawala agad sa amin si Papa. Kahit mahirap ang buhay, basta't nandito siya...

"Hindi pwede 'to," sabi ni Blaire. "Hindi pwedeng aapihin ka lang nila nang ganito. After mo isakripisyo sarili mong kaligayan for them? Na pati pagme-medicine, ayaw mo na kasi puro 'yon gastos at wala kang maibibigay sa kanila?!"

"Anong plano mo?" I asked.

"Anak ka, Maia. Ikaw ang gustong makita ng Papa mo sa libing niya. Alam kong love na love ka na n'on at hindi valid opinion ng nanay mo if whether or not a-attend ka o hindi."

"Ayaw ko ng gulo," sabi ko. "Baka ano pang mangyari kay mama sa sobrang galit niya. Nawalan na kami ng Papa, ayaw ko namang maging ulilang lubos kami ng mga kapatid ko, Blaire. Kaya kahit mahirap... Kahit masakit... Titiiisin ko na lang."

"No, hindi ako papayag na wala ka sa huling sandali ng tatay mo. Mahalaga 'yon for you and for him. Don't say goodbye to him with regrets, Maia. Gagawa ako ng paraan. Gagawa tayo ng paraan."

Ilang minuto siyang nag-isip hangga't nakaisip siya ng ideya.

"Okay lang na a-attend ka sa burol ng tatay mo pero stalker mode ka?" she asked.

Kumunot ang noo ko. "Huh?"

"Wala kang choice, 'yon ang ang only way," sabi ni Blaire. "A-attend tayo pero nanonood lang mula sa malayo. At least, you can say your farewell to your dad, 'di ba?"

At 'yon nga ang ginawa namin. My mom didn't see us at all. Iyak ako nang iyak mula sa malayo habang pinakikinggan ang mensahe ng mga kapatid ko para kay Papa.

Sobrang hirap tanggapin. Sobrang sakit sa dibdib. Parang hindi ko kakayanin.

Hanggang sa pag-uwi namin ni Blaire ay iyak lang ako nang iyak. Hindi ko ma-absorb na wala na talaga si Papa. Wala na ang kakampi ko sa bahay. Wala na 'yong taong mas naniniwala pa sa akin kaysa ako sa sarili ko.

Taking A Step Closer To You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon