PART TEN: Goodbyes

4.4K 328 36
                                    

Simula nang nangyari ang nakakahiyang presentation na 'yon, mas lalo kaming pinag-usapan ni Felix.

Imagine ba naman, a hot young man, topless, and being presented in class as the human anatomy.

Ang nakakatawa pa, nag-viral nanaman kami online dahil may isa kaming kaklase na nag-video ng nangyayari. She posted it online at dahil kilala na kami ni Felix online dahil nga sa pagtulong namin sa babaeng naputulan ng braso, madali iyong naka-garner ng atensyon.

"Alam mo Maia, ba't hindi ka na lang mag-Vlog?" sabi sa akin ni Blaire one time habang naglalakad kami pauwi. "Malay mo, kumita ka nang malaki at makaipon."

"You think so?" tanong ko.

Blaire stopped and gave me a bombastic side eye. Bigla akong natawa.

"Really?" she asked. "I was being sarcastic, Maia. Sa dami ng gawain natin as med students, kulang na kulang pa nga ang twenty-four hours sa isang araw. Mag-Vlog ka pa kaya?"

Natawa ako lalo. "I know, hindi mo naman need ipaalala. Ikaw naman nag-suggest e, I was just joking."

"And FYI," she said. "Ang baba ng grade mo sa isang subject. Okay lang kung once, pero thrice in a row ka bang lowest. Hindi bagsak, yes, but lowest? Parang hindi naman tayo nag-aaral overnight sa lagay na 'yon."

"Okay na ako sa ganoon. 'Yon lang ang kinaya ko, e," sabi ko. "At least pumasa ako at tapos na siya."

Blaire sighed. Naiinis na siya at hindi niya ako makumbinsi.

"Bahala ka na nga," sabi na lang niya.

"Bakit ba stressed ka?" Tanong ko sa kaniya. "Nanalo ka naman sa quiz bes kanina, ah."

May quiz bee kanina sa school at by partner ang laban. Felix and Blaire were teamed up. Nanalo naman silang dalawa.

"Felix is a shit," galit na sabi ni Blaire. "Sinira niya ang araw ko."

"Bakit?" Tanong ko.

"Hindi ko alam ang sagot kanina. Ibinulong niya pakunwari sa akin ang sagot. Left with no choice, I took his answer and—"

"—and it was right, you won," putol ko.

"I know, but that's not the point. Mas gugustuhin kong matalo kaysa magkaroon ng utang na loob sa kaniya!"

"But he's nice, isn't he?" Tanong ko. "Nakita ko kahapon na pinagbuksan ka niya ng pinto noong marami kang bitbit. Marami rin siyang bitbit pero inilapag niya para pagbuksan ka ng pinto."

"T-That's a bare minimum," Blaire said.

"Noong nalimutan mo ang work book mo at need ipasa sng activity the same day, he photo copied the work sheets para lang may masagutan ka. 'Yon, I think, hindi 'yon bare minimum," dagdag ko.

She looked at me once again. "Bakit ba siya ang topic natin ngayon at puro papuri na kang?"

"Kasi deserve niya at mali tayo," sabi ko. "Maling-mali na pinagbintangan natin siyang babaero. It was so wrong that I treated him badly."

"Wala tayong patunay na hindi siya babaero," sabi ni Blaire.

"Mayroon," sabi ko. "'Yong mga kasama niya noon na akala natin ay mga babae niya, mga kaklase niya lang 'yon. You will never even see him around girls on campus. Kung totoong womanizer siya, dapat he took the opportunity to be around them dahil nga sikat na siya. Pero hindi, walang ginagawa si Felix kung hindi mag-aral lang."

Blaire opened her mouth to say something but she chose to close her mouth. Maging siya ay wala na ring masabi.

"Ewan ko," sabi na lang niya. "But I hate everything about that guy."

Taking A Step Closer To You Where stories live. Discover now