PART ONE: The Time Our Eyes Met

18.6K 1.6K 3K
                                    

8 years ago...

"PLEASE 'WAG KANG PUMASOK..."

I bit my lower lip as I stared intensely at the screen.

Ramdam na ramdam ko ang kalabog ng dibdib ko at kung paano nangangatog ang mga binti ko. Bahagya na rin akong pinagpapawisan at hindi mapakali.

"Please naman..." pagmamaka-awa kong bulong sa screen.

Nang tingnan ko ang paligid ay ganoon din ang ginagawa ng mga kasamahan ko—nananalangin na sana walang pumasok.

Ilang segundo na lang.

3...

2...

1...

I closed my eyes hardly.

Please, 'wag na!

Gusto ko nang umuwi!

Please—

*TOOT*

Lahat ay natahimik nang marinig ang tunog na 'yon. Iyon ang iniiwasan naming lahat.

"Kanino 'yon?" tanong ng isa.

Pero walang sumasagot.

"Tingnan niyo nga—hindi sa 'kin! Guys, log out! log out!"

Nang tingnan ko ang screen ko ay nanlaki ang mga mata ko.

"GUYS! KAY MAIA PUMASOK!" sigaw ng isa at nakarinig ako ng tawanan.

"Ah, bwiset!" bulaslas ko bago nagsuot ng headset. "Thank you for calling Z-Mobile, this is Maia, your personal expert for today, how can I help?"

Agad akong nag-mute at nasapo ang noo.

Uwian na, e. Bakit naman pumasok pa ang tawag kung kailan last second na lang?!

Nagtatawanang lumabas ng production room ang mga ka-team ko habang kumakaway sa 'kin.

"Bye, Maia!" sabi nila. "Kaya mo 'yan!"

Kumaway ako kahit nakasimangot habang nakikinig sa customer.

Ang hirap maging call center agent!

"What's your name again, ma'am?" the customer asked.

"Maia, sir," sagot ko.

"Mia?"

"No, sir. Maia."

"Via?"

"Maia, sir. Like that bird in tagalog, maya."

"Taga—what? What log? I only know Logan Paul."

Nakagat ko ang dila ko.

Ano ba?! Gusto ko na umuwi.

"Yes, sir. My name's Mia," plastikada kong sabi nang matapos na.

"Mia? Like that por—"

"Yes, sir, yes," pagputol ko rito. "Anyway, what's going on? How can I help?"

"Okay Mia, here's why I'm calling in."

For the next ten minutes, puro lang rant si customer. Hindi siya humihinto kaya hindi ako makasabay. Ilang beses na akong na ca-call out ng Team Leader namin dahil long call na kahit intro pa lang. Kung ilang beses ko na bang nasabunutan ang sarili ko ay hindi ko na alam.

Nag-mute ako at matalim na tiningnan ang screen ko.

"Talk show 'yan?" bulong ko at nag-unmute nang natapos na si customer.

Taking A Step Closer To You Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon