𝙾𝙽𝙴

1.5K 75 21
                                    

𝐋𝐢𝐳𝐳𝐲

Maingat akong pumasok sa loob ng bahay para hindi makagawa ng kahit anong ingay. Napangiwi nalang ako ng biglang mag bukas ang ilaw, sumalubong sa'kin ang seryosong mukha ni Mama na ginantihan ko lang nang pilit na ngiti.

"Where have you been, Lizzy?" seryosong tanong ni Mama.

"Ahm nakiparty po, kasama ng mga friends ko Ma." pag sisinungaling ko.

"Wag mo na subukang mag sinungaling Lizzy." giit ni Mama.

"We already know what you've been doing, young lady." biglang sulpot ni Mommy galing sa kusina habang may hawak na isang baso ng tubig.

Sumimangot nalang ako dahil nahuli na'ko ng dalawa kong ina.

Yes may dalawa akong ina, My Mama Livvy was born intersex, at may kakayahang makabuntis kaya nabuo kami ng Ate Avery ko.

"I was only having fun, Mom." sagot ko.

"Baby, okay lang naman mag enjoy ka pero ibang usapan na kung lulustayin mo lang ang pera dahil lang sa sugal. You should learn the value of money." mahinahong paliwanag ni Mama Livvy.

"Love, palampasin mo nalang ngayon. BUT there will be no next time, maliwanag ba Izzy?" sabat ni Mommy.

"Prom--" sasagot pa sana ako ng biglang pinutol ni Mama ang iba ko pang sasabihin.

"No Love, actually ilang beses ko na s'yang nahuhuli pero this time punong puno na ko kaya ko s'ya kinakausap ngayon."

Bigla akong kinabahan dahil sa paraan ng pagkakasabi ni Mama, knowing her mabait si Mama pero kakaiba s'ya kung magalit.

"W-what do you mean Ma?" tanong ko dito.

"This is not the first time na nag lustay ka ng malaking pera, mukhang nagiging hobby mo na rin ang sugal. Kaya ngayon pa lang, putulin na natin yang addiction mo sa sugal... and lastly, kailangan mo matutunan kung paano pahalagahan ang pera." litanya nito.

"Mukhang may pagkukulang kami bilang magulang mo, masyado ka naming na spoil. So... kailangan naming itama para hindi na lumala pa. Am I right, Love?" baling nito kay Mommy na ngayon ay napapakagat labi dahil sa mga naririnig mula kay Mama.

Base sa expression ng mukha nito, wala na s'yang magagawa pa kapag si Mama Livvy ang nag desisyon.

"R-right. So, ano bang pinaplano mo?" balik tanong nito.

"Mama naman, kung ano man yang nasa isip mo please Ma, erase mo na hinding hindi ko na uulitin." pag lalambing ko dito sabay kapit sa braso nito.

Hinawakan nito ang kamay ko, saka ngumiti. Medyo gumaan ang pakiramdam ko dahil sa ngiti ni Mama, maging si Mommy ay nakangiti na rin.

Alright! May second chance!

"Sorry baby, pero kailangan ka naming tiisin. This is for your own good. You know how much we love you, right?" malambing na wika nito.

Sa sobrang lambing mapapasunod ka nalang.

"Y-yes Ma..." sagot ko saka nag pakawala nang isang buntong hininga.

"Ano po bang gusto n'yong mangyari?" walang ganang tanong ko.

"First ipapa cut namin lahat ng credit card at atm mo, but bibigyan ka namin ng allowance every month and you should learn kung paano tipirin yun for the whole month. And if ever may gusto kang bilhin for yourself, you'll have to work hard for it."

𝗣𝗿𝗲𝘁𝘁𝘆 𝗦𝗰𝗲𝗻𝘁 (𝗚𝘅𝗚)Where stories live. Discover now