𝙵𝙾𝚄𝚁

1.1K 92 17
                                    

𝐂𝐥𝐞𝐨

Matapos naming kumain dumaan muna kami sa Tiger Sugar, para bumili ng maiinom. Since pareho namang vacant time pa namin.

Naagaw ang atensyon ko ng biglang tumunog ang phone ko, indikasyon na may tumatawag.

"Oy si L, tumatawag. Wait lang ah sagutin ko lang." paalam ko dito, nag kibit balikat lang ito bilang tugon.

"Hello L..."

"I'm sorry for making it hard on you, C..." sagot ni L sa kabilang linya.

"Yung kanina, yung gusto mong malaman sa'kin. Itanong mo na uli..."
dugtong pa nito.

Mukhang sincere naman s'ya sa mga sinasabi n'ya ngayon at hindi tipong nag mamadali sa tuwing kausap ko s'ya.

"T-totoo bang m-mahal mo ko, L?" medyo nahihiya kong tanong, nasa harap ko kasi ngayon si Izzy.

Mukhang nakaramdam naman to, kaya tumayo ito at pumunta sa counter.

"Where are you right now? Let's meet and I'll tell you."

"Talaga? Pupunta ka dito ngayon?" tanong ko, di ko maitago ang saya na nararamdaman ko dahil mag dadalawang linggo na ata kaming hindi nag kikita dahil napaka busy ng schedule nito.

"Nandito ako sa Tiger Sugar, malapit sa school."

"Sige, pupuntahan kita C."

Iyon lang at ibinaba na nito ang tawag.

Tanaw ko naman na pabalik na si Izzy.

"So?" tanong nito sa'kin.

"Anong so?" balik tanong ko.

"So ano nang plano? Mauuna na ba akong bumalik sa school or what?"

Maganda tong batang to, pero minsan parang di marunong gumalang sa'kin  kala n'ya kaedad n'ya lang kausap n'ya ee.

"Actually pupuntahan ako dito ni L, so--"

"Okay, means kailangan ko nang mauna. Ayaw kitang makitang nag dadrama sa harap ng fiancée mo."

"Aba't hoooy Izzy, sumusobra kana ah."

"A-anong tawag mo sa'kin?" nauutal na tanong nito.

"Izzy... sabi mo yun ang itawag ko sa'yo diba?"

Bahagya itong natigilan at kunot noo akong tinignan.

"O-ohh, okay. I'll go ahead." saad nito.

"Okay, ingat."

"Thanks, you too." tugon nito saka umalis.

Mula sa kinauupuan ko, tanaw ko si L na kakababa lang ng kotse si Izzy naman ay kalalabas lang.

Kung wala lang sana kaming importanteng pag uusapan ipapakilala ko si Izzy kay L, pero saka na marami pa namang oras.

Nag taka ako kung bakit hanggang ngayon ay hindi pa rin pumapasok si L dito sa loob, muli kong tinignan ang kinaroroonan nito kanina. Napakunot ang noo ko nang makitang nag uusap si L at Izzy? Na para bang kilalang kilala nila ang isa't isa.

𝗣𝗿𝗲𝘁𝘁𝘆 𝗦𝗰𝗲𝗻𝘁 (𝗚𝘅𝗚)Where stories live. Discover now