𝚃𝙷𝚁𝙴𝙴

1.5K 78 26
                                    

𝐂𝐥𝐞𝐨

"Hello Ma'am." halos sabay-sabay na bati ng mga istudyante ko.

"Hello!" nakangiting ganti ko.

Napatingin ako bandang dulo, kung saan nakaupo si Miss Javier. Nakatulala lang ito at nakatingin sa labas ng bintana, mukhang may malalim na iniisip.

Sinimulan ko na ang pag tuturo at mukhang nakuha ko naman ang atensyon ni Miss javier na nakikinig sa'kin ngayon maliban sa grupo ng mga lalaking istudyante na nag tatawanan sa bandang likuran

"Escuro, mukhang may sarili kayong discussion d'yan ah." saway ko sa kanila.

"Meron nga Miss Matteo, gusto mo bang sumali?" sagot nito.

Kahit kelan napakatigas ng ulo nitong si Escuro.

"No thanks, may sarili kaming discussion dito. Kung hindi ka interesado sa klase ko, pwede ka ng umalis." wika ko na nag pipigil lang ng inis.

"Tsss. Kala mo naman kung sinong magaling panigurado sa pangalawang take mo ng LET Miss Matteo di ka pa rin makakapasa. Malakas lang naman ang kapit mo dito kaya parang kung sino ka kung umasta." 

"Hoy! Bakla ka ba?" bigla ay sabat ni Miss Javier na ngayon ay prenteng nakaupo sa upuan n'ya.

"Anong sabi mo?!" tila napipikon na tugon ni Escuro.

"Alin? Yung bakla ka? Mukha nga, putak kasi ng putak yang bibig mo eh." muli ay sagot ni Miss Javier.

"Ang lakas naman ng loob mo, baka di mo ko kilala?" maangas na sabat ni Escuro.

"Hindi nga, sino ka ba? Sikat ka ba? O baka dito lang?" nakangising tugon ni Miss Javier na ngayon ay tumayo na at lumapit sa pwesto ng kinauupuan ni Escuro.

"Tama na, tumigil na kayo. Miss Javier bumalik kana sa upuan mo." saway ko sa kanila.

"Sige po Miss Matteo pero kukunan ko lang ng picture si Mr. Escuro, ipagtatanong tanong ko kung sikat ba talaga ang baklang to."

Bago pa mag process sa isip ko ang sinabi nito ay walang paalam nyang kinunan ng picture si Escuro gamit ang phone n'ya.

Matapos n'ya itong kunan ng picture tumalikod na ito at humakbang pabalik sa kinauupuan. Nakita kong tila galit na tumayo si Escuro sinundan si Lizzy gusto ko mang pigilan pero mabilis ang mga pangyayarinakita ko nalang na nakahandusay sa sahig si Escuro.

"Deserve!" narinig ko pang sabi ng iilan.

I was shock dahil di ko inakalang marunong s'yang mag self-defense.

Ba't di nya ginawa yan nung nasa bar?

Kung sabagay marahil na rin sa epekto ng alak.

"Miss Matteo, anong kaguluhan to?!" biglang sulpot ni Mrs. Fernandez.

Nangtignan ko ang gawi nito bakas sa mukha nito ang pag kagulat ng makita si Escuro na ngayon ay nakaupo sa sahig.

"Miss Matteo, Escuro! Sa guidance office, ngayon na." wika pa nito.

"Ma'am mukhang kailangan ko rin pong sumama." sabat ni Lizzy.

Tinignan ako ni Mrs. Fernandez ng may pagtataka.

"Yang babaeng yan Ma'am ang bumalibag sa'kin, diba nasa school policy na bawal ang anumang uri ng away dito. Kaya dapat lang na isama n'yo rin s'ya." paliwanag ni Escuro.

"Oh akalain mo yun, sa'yo pa nang galing ang salitang yan? You don't even know how to respect a teacher." nakangising wika ni Miss Javier na ngayon ay nasa tabi ko na.

𝗣𝗿𝗲𝘁𝘁𝘆 𝗦𝗰𝗲𝗻𝘁 (𝗚𝘅𝗚)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon