𝚂𝙸𝚇

1K 91 12
                                    

𝐂𝐥𝐞𝐨

Kasalukuyan akong nasa faculty room vacant time ko kasi, nakatitig lang sa screen ng laptop or sabihin na nating sa picture namin ni L.

Mukhang ang saya pa namin dito. Hay, namimiss ko na s'ya.

Habang tinitignan ang iba pang pictures ni L, may isang tao ang biglang pumasok sa isip ko.

Hmmm... kung mag papakatotoo ako, mas maganda ang batang yun kesa sa pinsan n'ya. Oh edi sila na may magandang lahi.

Oo nga pala, pumasok na kaya s'ya?

Naputol ako sa pag iisip ng biglang tumunog ang phone ko. Agad ko iyong kinuha, unregistered ang number na tumatawag. Sinagot ko na rin dahil baka emergency.

"Hello?"

"Hi, is this Miss Cleo Matteo?" sagot ng babae sa kabilang linya.

"Yes, speaking. Sino po sila?"

"This is Azura Javier, we've met before kung na aalala mo."

Hala! Mommy to ni Izzy, ano kayang kailangan nito?

"Ahh opo Ma'am nakikilala ko po kayo, bakit po kayo napatawag Ma'am?"

"Well the thing is, gusto ka namin makausap personally regarding kay Lizzy. If you're free tonight, we would like to invite you for dinner."

"Hala! Bakit po? May nagawa ba ko Ma'am? Promise po wala po akong gusto sa anak n'yo." Sunod-sunod na sagot ko.

"Calm down Miss, hindi ito tungkol dun. Malalaman mo mamaya, kung makakapunta ka." wika nito na tila nag aantay ng sagot mula sa'kin.

"S-sige po, anong oras po ba at saan?"

"I'll text you the details, bye now."

Huling sinabi nito, saka ibinaba ang tawag.

Naku dumagdag pa to sa iisipin ko, ano kaya ang gusto nilang pag usapan namin patungkol kay Lizzy.

Nakarinig ako ng mahinang katok mula sa pinto, agad akong tumayo para pag buksan ito ako lang rin kasi ang nandito sa loob ng faculty.

Sumalubong sa'kin ang magandang mukha ni Izzy, na di makatingin sa'kin ng diretsyo.

Ano bang problema nito?

"Yes, Izzy? May kailangan ka?" tanong ko dito.

"Can I talk to you about yesterday, Ma'am?" sagot nito.

"Yeah sure, pasok ka." paanyaya ko dito at naupo sa sofa na nasa gitnang bahagi ng opisina.

Sumunod naman ito at naupo sa tabi ko.

"Anong tungkol kahapon, Izzy?" pag uumpisa ko.

"I just want to apologize for what my mom said yesterday." wika nito habang nakatingin sa mga mata ko.

"Ano kaba, okay lang yun. Naiintindihan ko naman, normal lang sa parents ang mag tanong ng ganun. Believe me, ganyan din si Mama." nakangiting tugon ko.

𝗣𝗿𝗲𝘁𝘁𝘆 𝗦𝗰𝗲𝗻𝘁 (𝗚𝘅𝗚)Where stories live. Discover now