𝚂𝙴𝚅𝙴𝙽

760 71 25
                                    

𝐂𝐥𝐞𝐨

Nakatayo ako ngayon sa harap ng restaurant kung saan ang lugar na sinabi ni Ma'am Azura.

Tama! Ganyan nga Cleo, i-divert mo sa ibang bagay ang atensyon mo. Isawalang bahala mo nalang muna ang nangyari kanina.

Pumasok na ko sa loob, agad naman akong inassist ng waiter at itinuro kung nasan ang table nina Ma'am Azura.

Apat silang nandun, ang dalawa ay nakatalikod sa gawi ko kaya hindi ko alam kung sino si Izzy sa dalawang yun. Si Ma'am Azura naman at ang katabi nitong babae na familiar sa'kin ang nakaharap sa direskyon ko.

Ilang hakbang nalang ang layo ko sa table nila, ng marinig kong mag salita si Ma'am Azura.

"Here she is..." nakangiting wika nito.

Sabay-sabay naman nila akong tinignan, nakakapanliit naman ang taglay nilang ganda. Di ko maiwasang wag ma insecure ng makita ko ang mga mukha nila.

"Ma'am?" boses iyon ni Izzy. "Anong..."

"She is my guest, Izzy." putol ni Ma'am Azura kay Izzy.

"Good evening po." bati ko sa kanila.

"Good evening Miss Cleo, maupo ka." wika ng isa pang babae na kung titignan ay parang nasa 30s lang.

"I'm Livvy Javier, ako nga pala ang Mama ni Avery at Lizzy." pag papakilala nito at inilahad ang kamay sa harap ko na malugod kong tinanggap.

Di pa man nag tagal ang pakikipag kumustahan namin ay agad nang hinawakan ni Ma'am Azura ang wrist ni Ma'am Livvy, kaya agad nitong binawi ang kanyang kamay.

"Pasensya na sa inakto ng Mommy namin, possessive lang talaga s'ya pag dating kay Mama." wika ng babaeng katabi ni Izzy, at kahit di ipakilala sa'kin ay alam kong nakakatandang kapatid n'ya.

Magkamukha kasi sila, actually kamukha nila si Ma'am Azura.

"Hindi kaba nagulat sa family namin Ma'am?" tanong ni Izzy sa'kin.

"Hindi naman... normal nalang yun ngayon diba. Tsaka may IVF naman--"

Di ko na natuloy ang sinasabi ko ng hawakan ako sa kamay ni Izzy.

"Sorry po..." pag hingi ko ng paumanhin.

"Baka kapag na kwento ko sa'yo, mas lalong di ka maniwala kung pano kami nag karon ng Lizzy at Ave."

"Mommy...." saway ni Izzy sa kanyang ina.

"Ma'am s'ya po pala si ate Avery, ate... si Ma'am Cleo, teacher ko." pag papakilala nito sa nakakatanda n'yang kapatid.

"Hello po, nice meeting you." nakangiting bati nito sa'kin sabay lahad ng kanyang kamay na agad ko ring tinanggap.

"Same here, Miss Avery." nakangiting tugon ko.

"Kumain na muna tayo, bago natin pag usapan ang mga bagay bagay." saad ni Ma'am Livvy.

"Mom, Ma... bakit n'yo rin po ba pinapunta si Ma'am dito? Anong meron? Di ako makakakain ng maayos hangga't di nyo sinasabi." pag pupumilit ni Izzy.

"Basta Izzy, makakapag antay yan." sabat ni Avery.

"Mom... hindi n'yo naman siguro pinaplanong ipakasal ako kay.... M-ma'am, diba?" muli ay tanong nito.

Natawa naman si Ma'am Azura at Ma'am Livvy dahil sa sinabi nito.

"Ba't mo naman naisip yan anak? Bakit? Gusto mo ba? Gagawan natin ng paraan yan." biro ni Ma'am Livvy.

Nanlaki ang mga mata ni Izzy dahil sa sinabi ng Mama n'ya.

"Aray!" daing ni Izzy matapos makatanggap ng hampas sa braso mula sa ate nito.

𝗣𝗿𝗲𝘁𝘁𝘆 𝗦𝗰𝗲𝗻𝘁 (𝗚𝘅𝗚)Where stories live. Discover now