𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 𝟐𝟑

33 39 0
                                    

-KLINT-

Klint Huxmond, 21 years old, matalino, pogi, matipuno, pero malakas mang-asar.

Yan tayong mga tao, laging may pero. Kahit na sobrang positive ang pagkatao mo kung may pero sa dulo, yun lang ang bibigyan pansin ng karamihan.

Saakin, ang nakikita lang nila ay ang ma-pang-asar kong personalidad. Kung tatahimik o magseseryoso naman ako, magtataka naman sila kung bakit.

People are just too toxic, so why bother getting serious with everything.

"Klint, it's your turn" sabi ni Doc Vlad saakin with squinted eyes. I nodded at him as a response at iniayos ang makapal tat maitim kong buhok.

Lumabas ako ng office niya at sinimulan ang mission na pinapagawa niya saakin. Malaki ang utang na loob ko kay Doc Vlad kaya naman desidido din akong gawin lahat ng gusto niya, he was one of the reasons why I'm still alive and handsome.

Nung bata ako, nakita ako ni Doc Vlad sa isang childcare unit na buto't balat na, at binabawian na ng buhay. Dahil bago palang siya sa center na yun, he dedicated himself to me.

Day and night inalagaan niya ako, walang day off, walang pahinga. Hanggang sa isang araw, because of the care and love he gave to me, I decided to fight for my life.

And because I was neglected by my biological parents, he was the one who stood up as my father.

He named me Klint Huxmond. Huxley sana ako pero ginawa niyang Huxmond dahil parang HUXley My secOND. May anak na daw kasi siyang nauna. Para din hindi gaano kahalata na I am being under his guardianship. He still has a reputation to protect, and being too open with his personal life could possibly give other people a negative impression of him.

I was still thankful he took me in, together with Kuya Vince. Sa mga taon na magkakasama kami, we never met his biological son. Until the day that I had to meet him.

Matagal na pala niyang binabantayan itong si Vent, ayaw niya lang magpakita dahil baka magulo lang daw ang masayang buhay ng kanyang mag ina. Sinusuportahan nalang niya ang mag ina by giving them financial support.

When he found out that Mrs. Huxley died, sinabi niyang babawiin niya na si Vent. Aminin ko man o hindi, nagselos ako, dahil pinaalis niya ako sa apartment ng center at inilipat sa mas malapit na unit sa school namin. This was when I already became a college student and took up the major psychology. 

Idol ko kasi si Doc Vlad kaya kumuha talaga ako ng kurso na katulad ng kanya dahil gusto ko din makatulong sa iba. He told me it was time for me to become independent and live at my own house.

My mission was to befriend Vent. Napansin niya daw kasi na wala itong kaibigan kaya he needed me to be that friend.

We Clicked. We bacame friends immediately. Ilang linggo palang kaming magkasama ngunit marami na kaming nalaman sa isa't isa. Syempre hindi ko sinabi lahat ng katotohanan dahil I was tasked to keep my true identity a secret.

Sabi ni Doc Vlad, Keeping our secrets protects us both. Hindi ko man maintindihan, naniniwala ako na may mas malalim iyon na meaning.

Vent and I were doing fine until I met Iyah, again. 

She was my first love. 

Lagi ko siyang nakikita sa office ni Doc Vlad noon but I didn't actually meet her.

Pinagmamasdan ko lang siya sa labas ng salamin ng office nila at tuwing ngumingiti ito, bumibilis ang tibok ng puso ko. I also knew her condition kaya mas lalo akong na in love sakanya because, for me, she has a beautiful mind, which created those identities in order to save herself from the cruel life she lived.

𝐕𝐞𝐧𝐭𝐮𝐫𝐢𝐧𝐠 𝐒𝐰𝐞𝐞𝐭 𝐀𝐫𝐨𝐦𝐚 | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon