𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 𝟓

73 50 6
                                    

-VENT-

Dinala ko si Iyah sa clinic dahil hinimatay siya sa kakaiyak. Oooh Iyah, why are you so fragile? Why can't you be tough like Chali?

Iba iba nga naman ang personality nila, itong si Iyah medyo iyakin pero sweet naman. May pagkamahiyain din at madalas kinakabahan. She likes to wear pastel-colored clothes and neutral-colored shoes.

Si Chali naman fiesty, medyo suplada, at ayaw ng nasasabihan. Mas trip niya ang color black mas lalo sa kanyang pananamit. Her scent is like red wine with a hint of almond while Iyah's scent smells like peaches, honey almond with a hint of alcohol.

Si Iyah ang naamoy ko ngayon. Very dominant ang honey scent niya habang natutulog siya. Napakaganda mo Iyah para kang manikang babasagin. Will you let me stay by your side forever?

"Vent?!" Narinig ko nanaman ang kanyang malumanay na boses. Lumapit ako sa tabi niya at kinuha ang kamay niya.

"I'm here Iyah, are you feeling better?" Namula siya habang tinititigan ang kamay naming magkahawak. Pasimple niya naman itong inalis. Sumimangot ako na ikinatawa naman niya.

"You met Chali?" Tanong niya at tumango naman ako. "She's fiesty" I said to her with a smile. Nakatingin lang siya sa akin na para bang may kulang sa sinabi ko.

"And yet you're still here? With me?" Hindi ko alam bakit nagtataka siyang kasama ko siya ngayon. Hindi ba pwede? Maamoy ko lang ang isang Iyah kompleto na ang araw ko.

"Why? Should I not be here?" Pabalik kong tanong sa kanya na ikiningiti naman niya.

"I knew you were different Vent, I knew you'd understand" bigla niya akong niyakap at naramdaman ko nanaman ang mga patak ng kanyang luha. Nanlambot ang katawan ko, teka lang Iyah hindi pa ako sanay sa pag yakap yakap mo baka matunaw ako.

Hindi tuloy kami nakapasok sa mga next na klase namin dahil binantayan ko siya. Ayos lang, babawi nalang ako dahil sa mga oras na ito, mas mahalaga ka Iyah.

═ ✪❂✪ ═

Halos busy ako ngayon sa mga FS (Forensic Science) subjects ko kaya hindi ko masamahan sa main campus si Iyah. Namimiss ko na ang matamis niyang ngiti at malambing na boses.

Kamusta na kaya siya? Hindi rin kasi siya ng text na after ko siyang hinatid sa boarding house niya nung nakaraan na araw. Siguro nag-aaral din 'yun dahil final exams na next week. Hindi naman ako kinakabahan dahil alam ko sa sarili ko na nag-aral ako. At syempre matalas ang memorya ko.

Tinext ko nalang si Iyah para kumustahin siya pero wala siyang reply. Siguro nga busy siya. Hayaan ko nalang muna, baka makaistorbo pa ako o baka naman nagtatampo dahil hindi ko siya nasamahan kahapon. 

Papunta na ako ngayon sa Main Campus ng UC para i-submit ang isang requirement namin sa Art Appreciation. Magaling  ako mag paint at mag drawing kaya excuse ako sa final exam dahil perfect daw lahat ng score ko sabi ng prof. 

Mabait ang mga teacher dito sa UC, talagang ma-momotivate ka dahil magagaling din sila at approachable pa. In the future, kung hindi man ako mapalad maging Forensic Psychiatrist ay gusto kong maging Instructor dito sa UC.

Palabas na ako ng Main Campus ng biglang mag-vibrate 'yung phone ko. Nakita ko agad ang pangalan ni Iyah sa screen. Ito nanaman 'yung kuryenteng umaakyat sa aking pwetan kapag naaalala ko si Iyah.

Binuksan ko ang message niya at "?" lang ang nakita ko. Baka hindi si Iyah ito at si Chali. Ibinalik ko nalang ang phone ko sa aking bulsa. Kung malaman ko lang na si Chali 'yung nagtext ng ganun, lagot talaga sa akin 'yun. Palibhasa hindi niya ako ganun kagusto. 

𝐕𝐞𝐧𝐭𝐮𝐫𝐢𝐧𝐠 𝐒𝐰𝐞𝐞𝐭 𝐀𝐫𝐨𝐦𝐚 | ✔Where stories live. Discover now