𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 𝟐𝟐

35 39 0
                                    

-IYAH-

Ilang araw na akong iniiwasan ni Vent. Pansin ko din ang malulungkot niyang mukha kapag nagkakasalubong kami. Hindi ko alam kung ako ba talaga ang dahilan o may sarili siyang problema. 

Pagkatapos nung Seniors' Night, sinabi ko sa sarili ko na magpaparamdam na talaga ako kay Vent. I sent him indirect messages na nagcoconfess ako sakanya pero parang hindi niya ata ito naiintindihan. Akala ko pa man din matalino siya.

To: My VENTilation

People say that gold is often associated with beauty, luxury, and status, which can be very appealing. Gold jewelry is often gifted for special occasions like weddings, birthdays, or anniversaries, and it can hold sentimental values. That's why I love Gold, but the A is silent.

Tatlong araw bago niya ako nireplyan sa text ko na yan. Nakakatawa kasi naexcite pa ako nung nagreply na siya, pero ng mabasa ko iyon ay nawala ang ngiti sa mga labi ko.

From: My VENTilation

Sinasabi mo Iyah? 

Nakanguso kong itinapon ang cellphone sa aking kama at tinakpan ito ng unan saka pinagsusuntok. Ang slow mo Vent! 

Nagreply din ako after 3 days para hindi niya mapansin na naghihintay ako ng text.

To: My VENTilation

K3U, K3U, K3U! K3U every single day!

Kinilig ako sa sinend kong text kasabay ng malakas na pagtibok ng puso ko. Kung hindi niya pa din ma-gets yan, ewan ko nalang.

Nagvibrate na agad ang phone ko after mga 20 minutes kaya mabilis ko itong kinuha at binuksan.

From: My VENTilation

KPOP ka na?

Kinuha ko ang unan sa kama at itinakip ito sa aking mukha bago ito sinigawan. 

Tangina mo Vent! Nagka-amnesia ka lang, naging bobo ka na!!!

Hindi ko na siya nireplyan dahil baka mainis ako lalo sa kanya.

***

Umalis ako sa pinag OOJT-han ko na industrial setting 10days before it supposed to end, dahil hindi na healthy and work environment nila doon. Napilitan naman yung adviser ko hanapan ako ng lugar kung saan tatanggap pa sila ng intern na magrerender lang ng 80hrs.

I got an internship sa isang na Real Estate agency at nagulat naman ako ng makita si Vent dito. The heaven has blessed me today! Thank you po Ama!

Malaking ngiti ang binigay ko sakanya habang kumakaway pa ng magtama ang tingin namin sa isa't-isa, ngunit hindi niya ako pinansin. Pumasok pa siya sa filing area at sinimulan ng magorganize ng documents.

Umiwas nalang din ako ng tingin para hindi ako mapahiya. What's with him lately?

Pinakilala na ako ng isang staff as their new OJT, at sinabi niya na ding tatagal lang ako sakanila ng 10 days. They all welcomed me with open arms and genuine smiles. Sana pala ay dito na ako nag-OJT nung una palang para hindi na ako nahirapan pa.

"Vent, ikaw na muna bahala kay Chaliyah. Magpatulong ka nalang sa ginagawa mo" utos ni Ma'am Nisha sakanya.

"Sige po Ma'am Nisha, masusunod po" sagot nito, walang reaksyon sa mukha. Nakita kong tumango si Ma'am Kisha at umupo na ito sa area niya. She was in her late 40s but she still looks like she's in her 20s. Maliit kasi ito at baby face kaya aakalain mong OJT din sa una.

"Hi" matipid kong sabi kay Vent pero hindi niya ako tinignan. 

"Ito nalang muna ang iayos mo, kailangan mai-sort out ito kada department. Pagtapos nun kailangan i-alphabetical bago ifile sa kani-kanilang mga 201" seryosong utos saakin ni Vent, ni hindi niya manlang ako tinignan sa mata. 

𝐕𝐞𝐧𝐭𝐮𝐫𝐢𝐧𝐠 𝐒𝐰𝐞𝐞𝐭 𝐀𝐫𝐨𝐦𝐚 | ✔Where stories live. Discover now