𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 𝟑

88 49 4
                                    

-VENT-

"And the perfect score goes to... Mr. Vent Dominic Huxley" nagbubulungan 'yung mga ka-klase ko dahil perfect score nanaman ang nakuha ko.

"Hindi ba nakakapagtaka? Lagi nalang perfect score ang nakukuha niya eh hindi naman natin siya nakikitang nag-aaral?" Bulong ng mangilan-ngilan sa kanila.

Lakasan niyo pa kaya kahit wala akong pake. Bata palang ako, I was forced to study to not study but to understand. 

Kaya naman na train ko ang aking utak para mas makuha ang mga importanteng konsepto sa lahat ng binabasa ko. 

'Yan ang bilin ng mama ko, na 'wag lang ako mag-aral para lang may ma-isagot ako sa mga quiz at exam ko. Mag-aral ako para maintindihan ang bawat konsepto na itinuturo. Kaya favorite ko ang science kasi maraming konsepto dito na kelangan kong intindihin at magagamit sa future, mas lalo kapag naging forensic psychiatrist na ako.

Bigla namang nagbukas ang pinto ng aming classroom at nakalanghap ako ng kakaibang amoy. Her aroma was a mix of peach, honey, almond, with a hint of alcohol. It was so intoxicating yet comforting at the same time.

"Alright class we have a new student. Ms. Roma, can you please introduce yourself to your classmates." pag-uutos ng aming prof. Nakayuko ako sa 'king armchair habang nakapikit lang, pinapakinggan ang boses ng babae.

"Good morning classmates, I'm Chaliyah Sweet Roma, a late enrollee from Manila" her voice was sweet and gentle.

Nakapikit padin ako habang ninanamnam ng aking ilong ang kanyang nakakaadik na amoy at ang kanyang malumanay na boses.

"Thank you, Ms. Roma, You may sit beside Mr. Huxley" pagkarinig ko ng pangalan ko agad ko namang ibinukas ang aking mga mata at nakita ang paparating na dalaga.

I was completely taken aback when I saw her up close. It was as if she had descended from heaven, like an angel. Her hair cascaded in beautiful waves, reaching all the way down to her waist. Her eyes, a light shade of brown with tiny specks of yellow, were so pure and innocent. She wore a lovely pastel blue dress paired with a light pink cardigan and completed her outfit with white doll shoes.

Her face was effortlessly beautiful, with rosy and bashful cheeks. And let me tell you, her body was absolutely stunning. Her torso was slim, her breasts and butt are both firm and round. Tinignan ko ang aking dalawang kamay at natawa. Saktong-sakto.

"Pre, ang ganda nung bago nating ka-klase oh! Sana ako nalang katabi niya at hindi 'yung pabibong 'yun" I heard the voice of one of my guy classmates and glared at him as if daggers were coming out of my eyes. Tumahimik naman ang mokong, natakot ata sa 'kin.

"Hi, I'm.." kinakabahan niyang sabi habang inaabot ang kamay niya saaken

"Chaliyah, I heard" inabot ko naman ang malambot niyang kamay na gusto kong ilagay sa ibabaw ng aking dibdib para malaman niya na my heart skipped a beat for her. Pero baka ma-praning kaya dahan-dahan muna Vent.

"You can call me Iyah" she said with the most invigorating smile. 

You can call me Mine, isasagot ko sana para malaman niyang pwede akong maging kanya lang.

"Nice to meet you Iyah, ako nga pala si Vent, buti nalang sa 'kin ka itinabi ni Sir, papakopyahin kita" pabiro kong sabi na agad naman niyang ikinangiti.

"Thank you Vent, but I can manage" ngumiti ulit siya, jusko matutunaw na 'yung puso ko pag araw-araw ko siyang makikitang ganyan. Baka hindi ko na maabot ang mga pangarap ko dahil siya nalang ang gusto kong abutin. 

𝐕𝐞𝐧𝐭𝐮𝐫𝐢𝐧𝐠 𝐒𝐰𝐞𝐞𝐭 𝐀𝐫𝐨𝐦𝐚 | ✔Where stories live. Discover now