Chapter 17

14 5 0
                                    

Street Date
[Featuring : Street Foods]

A/N :
MAHAL KO ANG MGA PAGKAIN KAYA DAPAT MAY GANO'N DIN SA STORIES KO! ITO YUNG ILAN SA MGA STREET FOODS NA KARANIWANG NAKAKAKAIN KO, HIHI.
DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT, AND ALSO TO FOLLOW ME! LABYUU!

INAAYOS ko na ngayon ang buhok ko at siyaka pinagmasdan ang kabuuan ko. Hapit ang white shirt na suot ko, naka-blue maong na cargo pants ako at ipinartner ko na lang sa pares ko nang rubber shoes, white and blue. Nilugay ko lang ang buhok ko.

Hindi na ako nag-abalang magpabango at siyaka ko kinuha ang dark blue sailor hat ko. Ayan!

Masaya akong lumabas ng kwarto at sinalubong si Savielle na ngayo'y nakasimpleng shirt lang na puti---hinahapit nito ang maskulado niyang katawan.

Naka-cargo pants din siya, parehas ng kulay sa akin. Natatawa ko siyang tinignan pero nangungunot na din ang noo niya.

"Ahhmm?"

Natatawa akong nag-kibit balikat.

"Well, i think this is the sign. Baka tayo talaga?"

Natawa na lang ako sa kaniya at inabot na lang ang Chanel kong wallet.

"Ikaw na hawak niyan."

Natatawa niyang ipinasok iyon sa bulsa ng pantalon niya at ibinutones.

"Baka may humablot, ah."

Natawa siya sa akin.

"Wala iyan, trust me."

Napanguso na lang ako sa linya niya. Hinawakan niya ang kamay ko at sabay kaming naglakad papalabas, pina-una niya muna ako bago siya lumabas, sinara niya ang pinto ng bahay na tinuluyan namin. Nagulat pa nga ako nang malamang dito kami titira. Naisip ko agad na baka walang may-ari tapos nakita iyon ni Savielle kaya doon na kami, parang magnanakaw na din iyon.

Kaya pinigilan ko talaga siya ng todo kasi baka mapasama siya, kami, kung itutuloy ang balak niyang pagtira sa bahay ng may bahay tapos walang paalam.

Natawa pa nga siya sa akin, kung saan-saan daw nakakarating utak ko, eh, nasa ulo ko lang naman. Iba na talaga tama niya. Tapos, pinaliwanag na niya sa akin na kaniya ang bahay.

Dito sa loob ng Golden Marchessa Ville, kaibigan daw niya ang may-ari ng subdivision, kaya madali siyang nakabili dito dati.

No'ng nag-eighteen siya, eh, binili daw niya ito bilang regalo sa sarili niya. Kasabay daw nito ay ang Ducati niyang motor at limang sports car na iba-iba ang brand.

"Let's go now? Na-lock ko na. Saan tayo?" he gently asked, etoh ba iyon baby talk?

Ngumiti ako siyaka tumango, inayos ko ang sombrero at siyaka tumingin sa paligid.

"Lakad-lakad tayo?"

Ngumiti siya at hinawakan ulit ang kamay ko.

"Sure, what about our snack for afternoon? Kung ano makita na lang natin? G?" masayang aya niya.

Ka-excite naman! That would be really nice! Masaya akong tumango kaya natawa siya. Kinuha niya ang phone.

Forbidden Trilogy #2 : Treasure Savielle Desire Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon