017

1.8K 22 10
                                    

RAKISTA LOVE AFFAIR SEASON 3

Gabriella Haiyan Mendel's POV:

Ilang minuto lang mabilis na napuno yung front seat. Pinapasok na yung mga may sound check passes. Katulad ng dating instructions bawal ang mga gadgets lalo na ang phone at cameras.

Gusto ng staffs at ng management na maging smooth ang flow ng event na to katulad ng dati although may mga makukulit talagang fans na hindi nakikinig kahit ilang beses ng pinagsabihan yun yung pinapalabas na agad ng venue.

Hiling din ng mga artist na makicooperate ang lahat kasi ito yung intimate part na pwedeng maexperience ng fans.

And here I'am nakatayo sa gilid habang hawak ang camera sa kamay ko.

Ako lang lang ang pwedeng kumuha ng mga pictures at video perks of being band photographer. Mamaya lang magiging busy na naman ako sa pagedit at magpili ng mga ipopost ko sa official website ng banda.

Naunang dumating si Ashton and as always ang laki ng ngiti niya. Nakakahawa yung good vibes na binibigay niya ngayon.

Kumuha siya agad ng mic at naupo sa stage para kausapin ang audience. Sumunod na din si Mikey na nagaayos ng buhok at nagawa niya pang makisabay kay Ash makipagkwentuhan kahit wala pa siyang mic.

Napatigil ako sa panunuod ng mapansin yung babaeng naglalakad sa gilid ng stage.

Si Kris.

Nilapitan ko siya agad.

"Uy, kakasimula lang nila." Sabi ko sa kanya at tinuro sila Ash at Mikey na nasa stage niya.

"Buti na lang naka-abot ako."

Bumalik kami don sa pwesto ko kung saan ako nakatayo kanina. Hindi rin nagtagal umakyat na din si Caluma at sinamahan ang dalawa niyang kaibigan.

"Hi guys!" Kumaway siya sa mga fans at sinagot naman siya nito ng mga hiyawan.

Sinulyapan ko si Kris sa tabi ko at yung inaasahan kong expression ng mukha niya ang hindi ko nakita.

Ang seryoso ng mukha niya habang nakatingin sa stage na para bang ang lalim ng iniisip.

What's wrong?

Bakit parang nag-iba yata ang mood ng bestfriend ko?

"... And as usual Hemmings everybody!..." Mas malakas na hiyawan ang narinig ko kaya nabaling agad ang buong attention ko sa stage kung na saan yung lalakeng may blonde na buhok.

Inaasar siya nila Mikey dahil late na naman siya sa sound check. Matapos ang ilang minutong question and answer portion tumugtog sila ng ilang kanta by request. Hindi natapos ang kulitan at asaran nilang apat hanggang sa magpaalam na si Ash sa audience.

"We'll see you guys tonight yeah?"

Naghiyawan ulit ang mga fans at kumaway na silang apat para magpaalam ulit. Isa-isa na sila bumaba at nagpunta sa backstage at nagsignal na din yung security na pwede na ring maglakad palabas ng venue ang mga fans.

Maghihintay ulit sila sa labas kasama ng ibang fans bago tuluyang buksan ito mamaya sa concert.

Naglakad na din kami ni Kris papasok don sa corridor kung saan connected sa backstage.

"Pupunta na ako don sa dressing room ichcheck ko lang yung mga susuotin nila mamaya." Sabi ni Kris habang naglalakad kami kasabay ng ilang staff na busy na rin ngayon.

Yun yung mahabang salita na narinig ko mula sa kanya mula kaninang umaga.

"Okay. Alam mo naman kung na saan yung room ko diba? Puntahan mo na lang ako kapag natapos ka na."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 17, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

RAKISTA Love Affair Season 3 /5SOSxTheVamps FF/Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon