007

2K 31 12
  • Dedicated kay Ms. President
                                    

hey I'm baaack hahaha :-)

RAKISTA LOVE AFFAIR SEASON 3

RAKISTA LOVE AFFAIR SEASON 3

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Gabby?"

Tumayo yung balahibo sa braso ko at para bang nabuhusan ako ng malamig na tubig.

Hindi ako makahinga sa hindi ko malaman na dahilan.

Lumingon ako agad para tignan yung taong tumawag sa pangalan ko even though familiar na familar sa pandinig ko ang boses nito.

Hindi ako pwedeng magkamali...

Nung narinig ko yung boses niya para bang nagflashback yung mga highschool memories ko.

Hindi ako makapaniwala na sa tinagal ng panahon dito kami ulit magkikita.

Hindi ko akalain na sa ganitong pagkakataon kami magkakasama ulit.

Hindi ko akalain na sa dinami-dami ng lugar dito kami magkakaroon ng mini reunion.

Napansin ko agad na mas matangkad na siya ngayon kahit na mataas na talaga siya sa nga lalake don sa campus.

Nawala na yung baby face na mukha niya at yung so called 'emo' hairstyle na usong-uso dati pero ang hindi nawala ay yung namiss kong cheeky grin sa mukha niya.

Napansin ko yung kulay ng buhok niya.

"Mikey."

Kagaya ko nung mga oras na yon nagtitigan kaming dalawa na halos hindi makapaniwala sa nakikitang tao ngayon na nasa harapan lang namin.

Nanlaki ang mata niya at bigla siyang tumakbo palapit sa akin.

Hindi ko magawang makagalaw sa pwesto ko at sinundan lang siya ng tingin.

Huminto siya mismo sa harapan ko at kinailangan ko pang tumingala para tignan siya.

Hinawakan niya agad ang balikat ko sabay hawak sa bibig niya.

"Holysht..."

Nakikita ko sa expression ng mukha niya na katulad ko unexpected din na makita niya ako dito ngayon.

"Bakit-- anong ginagawa mo dito?" Hindi siya makabuo ng salita habang sinasabi niya yon.

Pati ako naguguluhan na din to the point na nakatitig lang ako sa kanya.

"Do you happen to know her Mikey?"

He nodded at di inaalis ang tingin niya sa akin.

Nag-usap silang dalawa hindi ko maprocess kung anu pero ang sunod na nangyare naramdaman ko na lang ang kamay niyang umakbay sa balikat ko.

"Yap, she's a close friend of mine way back from the Philippines." Proud na sinabi niya at nagsimula na siyang magsalita ulit.

Hindi ko magawang makapagsalita dahil sa bilis ng buka ng bibig ni Mikey at ganun din si Mr John.

RAKISTA Love Affair Season 3 /5SOSxTheVamps FF/Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon