012

1.8K 32 14
                                    

RAKISTA LOVE AFFAIR SEASON 3

/GABRIELLA HAIYAN MENDEL/

Who is she?

A friend?

No, hindi mo naman hahalikan sa labi yung kaibigan mo diba?

His girlfriend for sure.

Walang exact word yung naramdaman kong sakit kagabi.

Hindi ko matanggap to the point na gusto kong paniwalain ang sarili ko na guni-guni ko lang yon o panaginip.

Hindi eh totoo yon.

Nakita ng dalawang mata ko at di ako pwedeng magkamali.

I saw them together.

Hindi ko magawang makatulog kagabi sa kakaisip sa kanila.

Bakita ba pakiramdam ko pinaparamdam na naman sakin yung 'pain' na dinanas ko na dati.

Ayoko ng masaktan.

Masakita e.

Baka di ko na kayanin ngayon.

Ang mahirap kasi umaasa pa rin ako na darating yung panahon na magkakaroon kami ng pagkakataonng dalawa pero mali pala ako...

Ang hirap umasa kasi masasaktan at masasaktan ka lalo na't walang kasiguraduhan ang umasa.

Isang sugal na... talo sa huli.

Nung mga nakaraang araw kasi para bang nagbibigay ng motibo si Luke. Yung simpleng gesture niya na ayaw niyang mahiwalay ako sa kanila yung isa sa dahilan kung bakit ito umasa na naman ako.

Akala ko kasi he felt something for me.

Pero mali ang akala ko. Siguro kaya siya ganun ka protective sakin kasi ang nakikita niya pa rin hanggang ngayon e yung dating 16 years old na Gabby na kailangan niyang banyatan dahil obligasyon niya ako.

Umasa kasi ako agad e at yun ang pagkakamali ko.

Paano ko siya haharapin ngayon na para bang di ako naapektuhan ng nakita ko kagabi?

Kaya ko bang harapin siya na parang walang nangyare?

Hindi ko kaya alam ko sa sarili ko yon.

Napabuntong hininga na lang ako at pinagmasdan yung tasa ng kape na nasa harapan ko.

Kinuha ko ito at ininom.

Malamig na.

What should I do now?

Pretend that I'm okay even though I'm dying inside?

Narinig kong tumunog ang phone ko.

Tumatawag si Kris.

"Hey G!" Narinig ko agad yung cheerful na boses ng bestfriend ko sa kabilang line.

"Hey..." I said softly.

"I want to make this call short... Guess what?"

"What?"

Nagpause siya ng ilang segundo mago ko ulit marinig ang boses niya sa kabilang line.

"I'll be there!"

"Ha?"

"Pupunta ako diyan bes! Susundan kita!" Sigaw niya sa kabilang line.

"What?!!" Hindi ko na din mapigilan ang sarili kong mapalakas ang boses.

"You heard me right. Magkakasama na tayo finally!!!"

RAKISTA Love Affair Season 3 /5SOSxTheVamps FF/Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon