015

1.8K 22 11
                                    

Nasa 7/11 ako nung ginagawa ko tong drafts and half of it bago ako matulog......

This chapter is not edited.

--------------------------

RAKISTA LOVE AFFAIR

/Haiyan Mendel/

Nasa loob kaming dalawa ng sasakyan ni Mikey ngayon. Yap, just me and him. Hindi naman sa ayaw ko pero nakakabigla lang ng napaka-aga niya akong kinatok sa room ko para magkape.

Ganito kasi yung exact na nangyare kaninang umaga.

Naalimpungatan ako sa sunod-sunod na katok sa pinto. Napabangon ako ng wala sa oras para tignan kung sino ito.

Pagsilip ko sa peephole at nakita ko si Mikey.

Anong meron?

Maaga pa ha?

Pinagbuksan ko siya agad ng pinto.

"Uy..." Sabi ko.

Napakamot siya agad sa mukha at di sa akin makatingin ng maayos.

"Bakit? May problema ba Mikey?"

Umiling siya sa akin agad bilang sagot.

"Oh... Okay."

"Ahh... Ano kasi... Aayain kita magkape?"

Halos magsalubong na siguro ang kilay ko sa curiosity kung bakit niya natanong ang bagay na to.

I mean pwede naman na mamaya na lang bakit ngayon niya pa sasabihin sa ganitong kaalanganing oras.

"Sure?"sagot ko at napasandal na lang sa gilid ng pinto habang tinitignan siya.

Naglight-up agad ang mukha niya dahil ngumiti siya.

"Sige mamaya ha? Maaga tayo aalis."

"O-okay... Pero bakit ang aga naman yata---" hindi na ako nakatapos sa pagsasalita ng magpaalam na siya sa akin.

"Bbye!" Tumalikod na siya at naglakad na palayo.

Naiwan ako don habang sunusundan siya ng tingin palayo sa akin.

Nakabasketball shorts, black na shirt at slippers ang suot niya habang ako naman cotton oversized shirt at pajama.

Kinatok niya na naman ako for the second time kaninang umaga. Kakatapos ko lang magblow dry ng buhok buti na lang naka-ayos na yung mga gamit ko kaya lumabas na ako agad ng room at sinalubong si Mikey.

Nakakapanibago kasi hindi naman tipo si Mikey ng taong mahilig magkape.

Kaya nga nakakabigla na siya pa mismo ang nag-aya sa akin na magkape ngayon.

Once in blue moon lang to.

Siguro nagccrave lang siya sa aroma?

I guess so...

Naglalakad na kami ni Mikey sa sidewalk. Nakasuot siya ng snapback kaya natatakpan yung blonde niyang buhok. Leather jacket, black shirt, jeans at combat boots. He's typical rockstar look na talaga namang bagay sa kanya.

Kung titignan siya ngayon nakakaintimidate ang aura niya to the point na titignan mo na lang siya or susundan ng tingin.

Siya yung badboy 'look' na madalas binabanggit sa mga books na mahhead over heels ka na lang pero in reality kabaliktaran naman sa kanya.

Si Mikey kasi kung titignan siya ngayon oo nandon yung badboy look na yan with an attitude pero kung kilala mo na siya ibang-iba naman talaga ang ugali.

RAKISTA Love Affair Season 3 /5SOSxTheVamps FF/Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon