013

1.8K 24 8
                                    

RAKISTA LOVE AFFAIR SEASON 3

Nagrerecall sa isip ko yung nangyare kagabi. Gusto kong magalit sa sarili ko at sa kanya sa ginawa niya. Hindi ko kasi akalain na hahantong kaming dalawa sa ganung pangyayare.

Paano kung nadala na din ako ng emotion?

Paano ko hindi ko na din napigilan at hinayaan siyang halikan ako?

Ano na lang ba ang pwedeng mangayare sa aming dalawa?

Masasaktan lang ako.

Lalo na ngayong may 'special' someone na siya at ako mismo ang nakakita nito.

Naiinis ako sa sarili ko kasi bakit hindi ako gumawa ng paraan kagabi na umalis agad bago pa mangayare yung ginawa niya.

Naiinis ako sa sarili ko kasi alam ko deep down inside of me gusto ko din ito.

Gusto ko din na mangyare yung gusto niyang ngayon magiging mas complicated lang ang situation ko.

Magiging magirap para aming dalawa ang situation.

Buti na lang talaga nakapagpigil ako.

Buti na lang nakagawa ako ng paraan para maiwasan ito.

"Morning."

Bungad ni Mikey sa akin sabay nagunat ng katawan.

"Good Morning." Bati ko sa kanya.

"Kanina ka pa ba?"

Umiling ako sa kanya.

Humikab siya bago magsalita. "Ano ba yan nakaka-antok. Si Ash kasi binulabog ako sa kwarto ko... Gusto ko pang matulog--"napahinto siya ng may magsalita bigla.

"Tara na guys ng makapagkape na tayo."

Si Ash.

Kasunod niya si Calum na nagpupunas ng mukha.

Mukhang kakabangon lang nila sa kama sa itsura nila ngayon.

Si Ash maaaliwalas ang mukha at nakangiti.

"Si Luke?" Tanong ni Mikey.

Napalunok ako ng marinig ang pangalan niya.

Nagflashback sa akin ang nangyare kagabi. Napahawak ako sa braso ko at umiwas sa kanila ng tingin.

Nakakailang lang kasi.

"... Nandon pa sa kwarto niya. Inaantok pa daw siya..." Sagot ni Ash.

"Eh bakit ako binulabog mo kanina inaantok pa ako tapos yung kumag na yon di mo man lang kinaladkad rito? Pre unfair naman." Sabi ni Mikey sa kaibigan na halata ang pagkainis.

"Ayaw mo bang kumain? E di bumalik ka na don... Masarap pa naman yung pancake nila... Meron ding waffle--" natigilan si Ash ng magsalita ulit si Mikey.

"Tara na nga nandito na e." Nauna na siyang maglakad palabas.

Nakahinga na ako kahit papaano ng maluwag ng malaman na hindi nga sa amin sasabay si Luke kumain ng almusal.

May nagaabang na sasakyan sa amin at inihatid kami sa pinakamalapit na coffee shop. Pumwesto kami sa labas nito habang inaantay ang order namin.

Nagbabasa ng newspaper si Ash, si Mikey naman busy sa cellphone niya at si Calum...

"G, saan ka pala nagpunta kagabi?"

"... Uh, hinahanap ko kayo kaso lang hindi ko kayo nakita kaya nauna na akong umuwi..."

RAKISTA Love Affair Season 3 /5SOSxTheVamps FF/Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon