Wattpad Original
Mayroong 5 pang mga libreng parte

Blog Entry #03 - September 14, 3:10 PM

142K 4.3K 108
                                    

September 14, 3:10 PM

Masakit 'tong sugat sa siko ko, pero mas masakit ang nararamdaman ng puso ko.

Hindi ko pa rin pinapansin si Baron Medel simula no'ng gabing inaway niya ako sa tabing-dagat at napahiya ako. Hinihintay ko na mag-sorry siya sa 'kin, kaso matigas siya. Lagi niya lang ako tinititigan 'pag nagkakasalubong kami rito sa Jupiter. Ang lalim niya kung makatingin, ewan ko kung bakit. Hindi naman siya gano'n makatingin sa 'kin dati. Yumuyuko na lang nga ako para makaiwas. Ni hindi niya man lang kinumusta ang sugat na natamo ko no'ng bumagsak ako sa buhanginan. Ang laki kaya.

Alam ko namang kasalanan ko 'yon dahil binunggo ko siya, pero sana man lang nagpaka-gentleman siya at tinulungan niya akong tumayo. Kaso tiningnan niya lang ako. Nakakainis talaga siya. Sobrang salbahe.

Ayoko nga muna siyang pansinin, e. Gusto ko nang umiwas talaga para hindi na ako masaktan. Kaso, paano ko naman gagawin 'yon? E, nasa iisang resort lang kami?

Nakaka-depress. 'Yong siya na nga lang ang inspirasyon ko, tapos ganito pa. At akala niya yata nakalimutan ko na rin ang hindi niya pagsipot sa date namin. Hindi pa, 'no. Tsk, hindi ko na talaga siya papansinin.

Hmm, e kung ituring ko na lang kaya talaga siya na kuya ko?


-D.C Franco

To Love and Die [Book 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon