Wattpad Original
Mayroong 7 pang mga libreng parte

Chapter 2

205K 5.5K 1.2K
                                    

WALA AKO SA sarili buong umaga.

Nainis kasi ako sa sinabi kanina sa 'kin ni Baron, e. Nabasa niya na pala ang love letter ko tapos hindi man lang siya nag-react. At wala rin daw pala siyang pakialam sa kung ano'ng nakasulat do'n. Grabe, pakiramdam ko, na-basted ako.

Maghapon lang tuloy ako ngayong nagmumukmok dito sa kwarto ko. Nagugutom na nga ako kaso tinatamad naman akong lumabas para mag-meryenda.

Maya-maya lang, biglang may kumatok sa 'kin. Baka si Mama. Bumangon agad ako para buksan ang pinto. Si Ate Gwen pala 'tong nandito. Akala ko naman si Mama.

"Sorry," sabi niya sa 'kin. "Nagising ba kita?"

"Hindi. Hindi naman ako tulog." Sabay tingin ko sa itsura niya. Parang ayos na ayos na agad siya. "Papasok ka na ulit sa trabaho? Ang aga pa?"

"May gala ako. Actually, hinahanap ko si Hanna pero hindi ko makita. Kaya sa 'yo na lang ako magtatanong. Tingnan mo nga kung ano rito ang mas bagay sa 'kin. Bibilhin ko kasi online." Tinapat niya sa 'kin ang dala niyang tablet.

Tiningnan ko naman. Sa screen ng tablet, may picture ng kulay pink na dress. Bulaklakin iyon at manipis ang strap.

"Ito ba mas okay," turo niya. "O ito?" Inilipat niya naman sa picture ng parehong dress, pero kulay violet.

Napaisip ako. Tapos nag-angat ako ng tingin sa kanya. Kaunti lang ang tangkad niya sa 'kin.

"Lahat naman bagay sa 'yo, Ate. Kahit alin naman d'yan. Bilhin mo na lang parehas."

Totoo naman kasi. Lahat ng damit na suotin niya, kaya niyang dalhin. Maganda kasi siya, maputi, at seksi. Mas payat nang kaunti ang katawan niya kumpara sa akin.

Kaso, kahit na pinuri ko na siya, parang hindi naman siya natuwa. Bumuntonghininga pa nga siya.

"Isa lang gusto kong bilhin, e. Sige, hahanapin ko na nga lang si Hanna. Thank you." Umalis na siya.

Pinabayaan ko na lang. Sinara ko na lang uli ang pinto at umupo sa paanan ng kama.

Gan'yan 'yang ate ko. Sanay na ako r'yan. Kapag hindi pumabor sa kanya ang sagot mo, madi-disappoint siya. Malay ko ba naman kasi sa mga dress na pinakita niya sa 'kin? Hindi naman ako nagsusuot ng mga gano'n. Para sa 'kin, basta hindi t-shirt at pantalon, maganda.

Hay, nakita ko na naman tuloy ang masungit na itsura ni Ate. Mataray talaga siya. Sobrang moody. Minsan, namamansin siya at kauusapin ka, minsan naman parang hangin ka lang sa paningin niya. Ang hirap niyang kapain. Kaya nga hindi kami naging close, e. Mga bata pa lang kami ni Ate Gwen, hindi na talaga kami close. Hindi naman sa magkaaway kami, sadyang hindi lang talaga kami malapit sa isa't isa.

Pero inaamin ko, nagagandahan ako kay Ate. Iba ang itsura niya sa 'kin. Pwede siyang mag-artista dahil ang ganda ng mukha niya at makinis ang balat niya. Gusto ko rin ang pananamit niya dahil girly at mukhang may class. Napagkakamalan tuloy siyang mayaman kahit na sa totoo lang, hindi naman kami gano'n. Simple lang ang pamilya namin, may kaya lang kami.

Tumayo na muli ako mula sa pagkakaupo rito sa kama. Magmemeryenda na talaga ako sa labas, tutal napabangon na rin naman ako. Biglang nawala ang katamaran ko.

Sumilip lang ako saglit sa tapat ng salamin para ipusod 'tong buhok ko at ayusin ang manipis kong bangs, tapos ay lumabas na rin ako.



WALA YATANG IBANG tao rito sa bahay kasi ang tahimik.

Madalas, kapag ganitong mga alas-tres ng hapon, rinig ko agad ang TV nina Mama sa sala kapag lalabas ako ng kwarto.

To Love and Die [Book 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon