Wattpad Original
Mayroong 2 pang mga libreng parte

Blog Entry #04 - September 25, 11:11 PM

138K 4.3K 223
                                    

September 25, 11:11 PM

Bati na kami ni Baron Medel. No'ng Wednesday, hinatid niya ako sa bangko na pinag-apply-an ko. Nag-sorry siya sa 'kin at binigyan niya pa ako ng chocolate! Kaso nga lang no'ng tanghali rin ng araw na 'yon, na-badtrip na naman siya. May nag-text kasi sa 'king ibang lalaki. Grant ang pangalan, at nagtatrabaho ito ro'n sa bangko. Ayaw niyang maniwala sa 'kin na hindi ko naman talaga pinamigay ang number ko.

Hindi naman sa nag-a-aassume ako, pero iniisip ko kasi kung ba't gano'n siya umasta sa 'kin. Para siyang nagseselos, but I know malabo 'yon. Wala naman kasi siyang gusto sa 'kin, e. Inis nga sa 'kin 'yon. Kaya ba't naman siya magseselos? Siguro nga pinoprotektahan niya lang ako gawa ng bata pa ako sa paningin niya.

Hindi ko naman ni-reply-an si Grant. Hindi ako interesado sa lalaking 'yon. Actually, kagabi ko lang naisip na kaya siguro n'on nalaman ang number ko ay dahil nakita niya sa resume na ipinasa ko sa bangko. Nakakainis siya.

Hanggang ngayon, mainit ang ulo ni Baron. Bihira ko pa siyang makita kasi lagi siyang busy sa tattoo shop. Pero kanina pagkauwi niya, kinausap ko siya, at okay na ulit kami!

Tinanong ko kasi kung sa'n niya nabili ang chocolate na ibinigay niya sa 'kin. Nasarapan kasi ako, may wafer sa loob.

Hindi niya ako sinagot nang matino no'ng nagtanong ako. Sabi niya lang sa 'kin diyan lang. E hindi na ako nangulit kasi baka wala pa rin siya sa mood makipag-usap nang maayos. Hinayaan ko na lang.

Na-surprise na lang ako no'ng gabi, bigla niya akong pinuntahan sa tabing-dagat pagkatapos naming maghapunan. Binigyan niya ulit ako n'ong chocolate! Wala siyang sinabi pagkabigay niya, basta inabot niya lang sa 'kin.

Okay lang 'yon. Mas lalo tuloy akong nahuhulog sa kanya dahil sa mga simpleng effort niya. Hindi ko na-imagine na marunong pala siyang maging mabait talaga. Hindi ko nga kinain 'tong pangalawang chocolate, e. Nandito lang sa mesa ko. Itatago ko 'to. Sana bukas pagkagising ko, mabait pa rin si Baron. Sana mabawasan na talaga ang pagiging tigre niya.

P.S. palagi na niya pala akong tinatawag na 'kuting'. Gustong-gusto ko 'yon!

- D.C Franco

To Love and Die [Book 1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon