chapter 17

637 36 8
                                    

..............

Hindi ako makawala sa mga tingin niya

Oo nakangiti siya, pero hindi yun tumutugma sa mga nanlalamig niyang pagtitig sakin

Ano ba kasing pumasok sa isip ko at ginawa ko ang ganoong bagay?

Dapat pala pinunit ko na lang ito kanina, kung bakit ba naman kasi wala akong privacy sa lugar na to😅

Maya't maya na lang kasi may sumusulpot na tao

Marahang lumipat ang nangangambang tingin ng prinsesa kay Lucas na tahimik na nakatayo sa tabi ng kanyang kamahalan

Agad na nagtagpo ang kanilang mga mata at sa di malamang dahilan ay tinanguhan siya nito

Anong tinatangu-tango mo dyan?😅💢

Hindi ito mag-uumpisa kundi dahil sayo!😭

...?

Di nagtagal at nawala ang mga ngiti sa labi ng kamahalan at seryosong nagsalita

"Umurong na ba ang dila mo at hindi kana makasagot?"

!?

Mabilis na binaling ng prinsesa ang atensyon sa ama, at kinakabahang binuka ang bibig

"P-patawadpo.. pero wala po kasi akong nalalaman sa sinasabi mo kamahalan."

Pinilit itago ng prinsesa ang kaba sa matatamis na ngiti

*Gulp*

Imposibleng malusutan ko siya ng ganun lang😫

Pero hindi ko talaga pwedeng ibigay yon at wala na kong maisip na ibang paraan

Sandali namang nag-isip ang emperor

"...Ganito na lang, kung ibibigay mo sakin yan.. bibigyan kita ng isang kahilingan."

Huh?!

H-hiling?

*Badump-badump—Ba-dump*

Lalung bumilis ang tibok ng puso ni Lumina, hindi dahil sa kaba, kundi sa pagka-excite

Bahagya siyang yumuko at nag-isip

Kung ibibigay ko ito kapalit ng isang hiling, malaking tulong yon sakin!

K-kaso...

Y-yung nakaguhit sa papel😖

Paano kung magalit siya sakin..

Susugal na ba ako?
B-bahala na...!

Hindi nagtagal at nanginginig ang isang kamay ni Lumina habang dinudukot ang isang papel sa kanyang bulsa

Mula roon ay nilabas niya ang nakatiklop at yupi-yuping papel, pagkatapos ay tila ba nagdadalawang-isip na inaabot sa kamahalan

".....?" Siya namang tinaggap ng emperor ang binibigay ng prinsesa

Pagkakuha ay agad niya itong binuklat at tahimik na pinagmasdan.

Samantala kinakabahan namang naghihintay ang prinsesa sa magiging reaksyon ng ama

Habang si Lucas naman ay sandaling napatingin sa kamahalan at hindi inaasahang makitang umangat ang isang gilid ng labi nito na medyo natatakpan ng kanyang isang daliri dahil sa nakapangalumbabang kamay.

The Villainess is now Tired Of Asking For LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon