chapter 2

1K 40 0
                                    

-----------

Pasikat pa lamang ang araw ngunit makakarinig na ng malakas na boses sa loob ng isang silid sa palasyo ng prinsesa.

"Ano bang nangyayari sayo Prinsesa Lumina? Bigla ka na lamang umiyak sa paggising mo pa lamang?? Palagi mona lang akong binibigyan ng problema." Saad ng Nanny na si Mrs.Hilda habang padabog na nilalapag ang food tray sa ibabaw ng drawer na nasa tabi ng kama.

"Mangyaring itigil mona ang pag arte ng ganito at umasta bilang isang ganap na prinsesa, sa huli kami ang mas nalalagay sa mahirap na posisyon sa tuwing nagdudulot ka ng gulo."

Ngunit walang maisagot ang batang babae kundi ang mapayuko na lamang habang nakaupo sa kama, suot ang white dress na pantulog.

"Hayss, osya nagdala ako ng soup, pagkatapos mong kumain ay magpalit ka na agad ng kasuotan."

Di nagtagal at maririnig na lamang ang pagsara ng pinto

Samantala, naiwang mag isa ang batang prinsesa

Anong—

                  Nangyayari?

Napalingon siya sa malaking glass window malapit sa kanyang higaan at doon tumatagos ang mainit na sikat ng araw.

Maya-maya ay marahan siyang bumaba sa higaan at naglakad tungo sa saradong bintana

Nang nasa harapan na siya nito ay taimtim niyang pinagmasdan ang paligid mula sa labas.

Sa ngayon ay nasa ikatlong palapag siya ng  napakalaking mansyon, mula sa labas ay matatagpuan ang makulay at malawak na flower  garden na mayroong malaking fountain sa gitna.

Napakagandang tanawin, isa ito sa mga ipinagmamalaking kayamanan ng kanilang imperyo.

Labis itong iniingatan ng emperor dahil Regalo niya ito sa namayapang empress na napakahilig sa bulaklak.

Gayunman, ipinagbabawal ang pagpunta dito at tanging ang emperor lamang ang may karapatang sulyapan at hawakan ang mga bulaklak na narito.

Pero...

Tanda ko na bago ako patawan ng kamatayan ay pinahintulutan niya ang pinakamamahal niyang anak na maglibot sa flower garden kasama siya.

Marahan niyang inangat ang maliit na kanang kamay at ipinatong ang palad sa glass window kung saan nag rereflect ang kanyang itsura.

Ilang sandali siyang natahimik habang pinagmamasdan ang bata at maamong mukha.

May mahaba itong light brown na buhok, ang porselana niyang kutis ay medyo nagrorosas sa tuwing nasisikatan ng araw

Mahahaba ang pilik mata at mapungay ang kumikanang niyang golden eyes

Perpektong hinulma ang kanyang ilong at ang natural na mapulang labi.

Tila ba isa siyang maliit na anghel na bumaba mula sa langit

Ngunit imbis na matuwa ay bakas ang lungkot sa kanyang mukha

Para saan pa ...

           At bumalik ako sa nakaraan?

Muling nagflash sa kanyang isipan ang mga huli niyang alaala kung saan unti-unti siyang nalalagutan ng hininga, sa kabila non ay pinagtatawanan lamang siya ng mga tao.

Pagod na pagod na ko...

Sunud namang nagflash sa kanyang isip ang imahe ng isang maganda at inosenteng  babae na nakuha ang blonde hair ng empress at deep blue eyes ng emperor.

The Villainess is now Tired Of Asking For LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon