chapter 1

1K 41 0
                                    

---------
---------

Isang dalaga ang nakaupo habang nakasubsob ang mukha sa yakap na tuhod.

Mag isa lamang siya kung saan walang ibang makikita kundi kadiliman.

Noon pa man ganito na ang nangyayari....

"Wala kang silbi! Palamunin ka lang dito!!"

"Tss, hindi parin ako makapaniwala na may step sister tayo? Well, paano ba naman kasi? Tignan mo naman siya ni kapiranggot wala siyang nakuha sa itsura ni dad maski sa maid niyang nanay."

Dalawang babae ang maririnig na nag uusap

Sa edad na siyam na taon,
Wala akong ibang choice kundi pakisamahan sila dahil sa pumanaw kong ina, dulot ng malubhang sakit.

"Hindi kaya anak siya sa ibang lalaki tapos pinalabas lang na anak siya ni dad para perahan?"

Itinuring ko silang mga kapatid kahit na iba ang tingin nila sakin...

Lahat ginawa ko para matanggap nila ko

Nag aral akong mabuti, kahit na binubully ako ng karamihan sa school

Naging parang katulong ako sa bahay nila

Tinanggap ko ang pang aalipusta nila sakin

Hanggang sa mag 18 years old ako

"Eto ang pera, hindi ko na matagalan ang pananatili mo rito, hindi ko maintindihan kung bakit nagkakaganyan ka?! Lahat naman binigay ko sayo, pinag aral at binigyan kita ng bubong na masisilungan! Pero bakit ito ang isusukli mo! palagi mong ginugulo ang mga kapatid mo! Hindi na nagkaroon ng katahimikan sa bahay na ito!"

" Huwag kang mag alala mag susustento parin ako hanggang sa makapagtapos ka sa pag aaral, Tsaka malaki kana kaya mona ang sarili mo." Galit na tinig ng isang may edad ng lalaki

Ah ...

Ito lang ba ang hinihintay niyo?

Napakatagal kong nagtiis...

Pero bakit ginanito ako ng sarili kong ama?
Habang palihim akong pinagtatawanan ng mga anak niya?

ginawa ko naman ang best ko,
Ang gusto ko lang..

Ipagmalaki at purihin mo rin ako

Pero...

"Tsk, walang dahilan upang manatili pa rito, Tapusin na agad ang pagbitay sa isang yan."

Sa isang yan?

Saglit at nanlalamig lamang akong sinulyapan ng kanyang deep blue eyes

Haha..

           Ha....

Wala na ba talaga akong..

Marahan niyang inangat ang ulo at tumingin sa harapan kung saan matatanaw ang malawak na ilog sa ibaba ng tulay

Lugar...

"Bitayin!!"

              "Bitayin na ang babaeng yan!!"

"Pangahas!!"

          "Wala kang utang na loob sa kamahalan!!!!"

"Bitayin!"

Sa kahit na saang mundo?

Naglaho ang malawak na ilog at napalitan ng mga nagkukumpulang mga tao.

Galit na galit ang mga ito

"Umpisahan na ang pagbitay." Tinaas ng isang kawal ang kanan niyang kamay bilang senyas

Sa huli, wala paring nagbago

Marahan na napapikit ang mga mata ng dalaga kasabay ang pagtulo ng kanyang luha

"Simulan na!"
Sigaw ng kawal


--------------

Ah!

Agad na napadilat ang maganda at kulay gintong mga mata ng isang batang babae na kasalukuyang nakahiga sa malambot na kama.

Bumungad sa kanyang paningin ang puting kisame.

Hingal na hingal siya at tila ba kagagaling lamang sa mahabang pagtakbo kaya't ganoon na lamang katagaktak ang kanyang pawis.

B-buhay...

              Buhay ako?

Madali siyang naupo at hinaplos ang kanyang leeg

Walang lubid o kahit na kirot ay walang mararamdaman,

Ngunit malinaw parin sa kanyang isipan na parang kanina lang ay nagpupumiglas siya habang nakalambitin ang leeg sa lubid.

Nakakatakot

Halu-halong imosyon ang kanyang nararamdaman dahilan upang manayo ang mga balahibo sa buo niyang katawan.

Hanggang sa hindi na napigilan ang mga luhang pilit niyang kinukulong sa mapupungay niyang mata.

Di nagtagal at malakas na hagulgol ng batang babae ang maririnig sa buong silid.

********

The Villainess is now Tired Of Asking For LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon