chapter 9

685 41 0
                                    



...............

Sa masukal na bahagi ng magandang hardin kung saan tanging maririnig ang huni ng mga kuliglig at makikitang palipad-lipad ang mga alitaptap sa dilim.

Maliban doon ay hindi mo aakalain na sa ilalim ng bilog na buwan ay naroon ang humahalimuyak na ganda ng prinsesa at tahimik na pinapanood ang isang batang lalaking di kalayuan sa kanyang kinatatayuan.

Gusto ko sanang tumambay sa pavilion kaso may nauna na pala sakin.

Sino ba yan?
Hmm.. Leo o Leon?
Magkamukha kasi sila hirap tuloy manghula🙄

...tsaka mas mabuti siguro kung hindi na lang ako tutuloy, wala kong panahon makipaglaro sa mga batang tulad nila.

At lumakad na nga siya palayo,
Ngunit nakakalimang hakbang pa lang ay bigla namang nakasalubong niya ang isa pang batang lalaki.

Sabay pa silang nagulat.

"Ah! Ikaw! Anong ginagawa mo dito?!" Masungit na tanong nito

Ugh, parang kanina lang nakita ko siya dun sa tulay..
Base sa ugali niya, mukhang ang batang naroon ay si Leon.

Huwag na lang nating pansinin..

Lalakad na sana ulit ang prinsesa ngunit sinigawan siya ni Leo

"Sandali panget!!"

Ha??💢😅

Nilingon niya ito na bakas sa kanyang mukha ang pagkairita.

Hindi man lang ba tinuruan ng kahit konting tamang asal ang mga batang ito?

Pero ilang sandaling pinagmasdan ni Lumina si Leo na tila ba mayroong nais sabihin

"..ikaw! ah.. n-na—"
Ngunit hindi nito matuloy at hindi rin makatingin ng deretsyo.

Napabuntong hininga na lamang ang prinsesa

Kung titignan isa lang siyang cute na bata SA NGAYON na nais magpabili ng laruan ngunit nahihiyang sabihin.

Maya-maya ay inangat ni Lumina ang kanyang kanang kamay at tinuro ang dereksyon kung saan naroon ang tulay.

"Kung hinahanap mo si Leon, nakita ko siya don kanina."

Pagkatapos non ay nagpatuloy na si Lumina sa paglalakad

Habang pinagmamasdan naman siya ni Leo na bakas sa mukha ang pamumula ng pisngi.

"P-panget!!" Sigaw nito at tsaka tumakbo papunta sa kinaroroonan ni Leon.

Ugh💢💢


..........

"Leon!! Kanina pa kita hinahanap nandito ka lang pala!"

"Ah! Leo... P-pasensya na nainip kasi ako kaya ko nagpunta dito." Sagot ni Leon na may mahinhin at maliit na boses.

Kasalukuyan ng lumalakad palapit sa kanya si Leo.

"Bilis, bumalik na tayo doon at nagagalit na si ina."

Cute namang tumango si Leon

Yun nga lang, dumulas ang paa nito ng subukang tumayo habang pinapatong ang kanang paa na di napansing hindi pala nakasagad sa ibabaw ng railings.

Dahil don, nawala sa balanse ang batang lalaki at siyang nahulog sa pond.

"Ah?! Leon!!" Sigaw ni Leo habang naghahabol sa nahulog na kapatid.

The Villainess is now Tired Of Asking For LoveWhere stories live. Discover now