chapter 13

616 28 0
                                    

.........

"Prinsesa"

Huh?

Lumingon ako dahil narinig kong may tumawag sakin pero hindi ko inaasahan na isang batang lalaki na may pulang buhok pala ang makikita ko.

Anong ginagawa niya dito?

Ang akala ko ba bumalik na sila sa asyenda nila?

Di nagtagal at tumayo ang prinsesa at nilapitan ang tahimik na batang lalaki

Hindi ito makatingin ng diretsyo na tila ba hindi mapalagay

Hmm

"S-sumunod ka sakin." Mahina niyang sabi

😒Ano nanaman ba to?

Gusto nanaman ba nila ng gulo?

Ugh

Kota na ko sa mga nangyari nung nakaraan, buti na lang talaga binawi ng kamahalan ang parusa niya sakin na makulong sa silid ko ng buong linggo

Ewan ko ba kung ano nanamang pumasok sa isip niya pero nakapagtataka din na matapos akong gumaling eh.. sunud-sunod na regalo ang pinapadala niya sakin

Duda ako, baka naman ginagawa niya lang yon para utuin ako😩 pano kung isang araw malaman kong engaged na pala ko at ginawa niya yon para tuluyan na kong mawala sa palasyo😮‍💨

...hayss hindi rin naman kasi imposibleng mangyari yon, nagawa niya nga kong bitayin sa past life ko ano pa kaya kung ipagkasundo niya kong magpakasal diba?

Uso pa naman dito yung bata pa lang eh, engaged na😞

Ilang sandaling natahimik ang prinsesa at bumalik lamang siya sa ulirat ng muli niyang marinig ang pagtawag sa kanya

............

Sa isang maliit na pavilion na napapalibutan ng mga makukulay na bulaklak

Naroon ang prinsesa kasama ang magkapatid na Hexion

Kung ganon nandito rin pala yung kapatid niya

Hayss...

Pero sumunod rin naman ako papunta dito para narin isaayos ang lahat..

Naisip ko rin kasi na hindi maganda kung uulitin ko nanaman ang mga nangyari sa past life ko kung saan naging kaaway ko sila🤔

At malaking problema para sakin kung mangyayari nanaman yon

Kaya naman nakaisip ako ng magandang plano...

Sa ngayon tahimik lang kaming nakatayo dito at nagpapakiramdaman😅

Ano bang problema ng dalawang to?
Hindi ba sila magsasalita?

Tch, ako na ngang mag uumpisa kung ayaw niyo

"oy, Leo.. bakit mo ko dinala dito?"

Sabay pa silang napatingin sakin na medyo nabigla

Huh??

"A-alam mong ako si.. L-leo?" Hindi makapaniwalang tanong ng batang lalaki

Eh??

May kung anong narealize ang prinsesa

Ah... Kaya ba tahimik lang siya kanina na akala mo hindi makabasag pinggan?

The Villainess is now Tired Of Asking For LoveWhere stories live. Discover now