Part 42"

1.3K 60 12
                                    

JEMA POV'

After ng naging pag uusap namin ni Dean ay agad din akong umalis..

Hindi ko man alam kung ako pupunta, pero gusto ko munang lumayo sa kanya.

Sobra lang akong nagulat sa mga pangyayari kanina..

Hindi ko rin ineexpect na ganon ang mangyayari.. akala ko normal na araw lang to para sa'kin pero hindi pala..

Oo siguro mahal kopa nga siya.. pero mahal ko rin naman si Ellie at hindi ko ito kayang iwan at piliin si Dean.

Nagulat naman ako ng may biglang mag salita sa likod ko.

Lalim ng iniisip ah. Sabi nito sa'kin

Agad ko naman tong nilingon at nakita ko si Ivy naka tayo ito malapit sa'kin.

Lumapit naman ito sa'kin at umupo sa tabi ko.

Paano mo nalamang nandito ako? Tanong ko dito

Nag tanong kasi ako kanina kay Ellie kung nasaan ka, alam ko kasing kasama mo si Dean.. Sabi nito sa'kin. Nakita ko kayo kanina na para bang nag kakasagutan, pupuntahan kona sana si Dean matapos mo itong layasan kaso naiisip kong kailangan muna nitong mapag isa.. kaya naman ikaw na lang ang sinundan ko. Dagdag niya pa

Lumingon naman ako dito at nakita kong naka tingin lang ito sa malayo.

Hindi mona dapat ako sinundan. Sabi ko naman sa kanya

Humarap naman ito sa'kin at tipid na ngumiti.

Alam mo simula ng maging kaibigan ko si Dean ay walang ibang kinikwento bukod sa'yo at kila Nanay Judin.. sa halos araw araw kang kinikwento nito sa'kin ay ramdam na ramdam ko kung gaano ka nito ka-mahal.. halos araw araw din nitong sinasabi sa'kin na labis siyang nag sisisi sa kung anong nagawa niya noon sa'yo, kung maibabalik nga lang daw sa lahat ang dati ay itatama nito ang lahat ng pag kakamaling nagawa niya... Sabi naman nito sa'kin. Nung araw na bumalik siya dito sa Pilipinas ay sobrang excited pa yon dahil bukod sa makikita niya sina Nay Judin ay makikita niya narin daw kayo, ikaw.. mahal na mahal ka ni Dean, Jema sa halos araw araw ay hindi nito maiwasang hindi masaktan, sobra siyang nahihirapan pag nakikita ka niyang masaya sa iba.. lalo na kay Ellie. Dagdag pa nito sa'kin

Hindi ko naman maintindihan kung bakit niya to kinikwento sa'kin.

Bakit moba sinasabi sa'kin ang lahat ng to Ivy? Akala koba mahal mo si Dean? Di ba dapat masaya kapa kasi may pag asa kana sa kanya? Sabi ko naman sa kanya

Tama naman ako eh.

Narinig ko naman ang mahihinang tawa nito.. napa kunot naman ako ng noo.

Sinasabi ko lang sa'yo to para malaman mo kung gaano ka ka-mahal ni Dean.. siguro tama ka, dapat masaya ako ngayon, pero hindi ko magawang maging masaya lalo na't nakikita kong nag kakaganon si Dean.. mahal ko siya oo pero hindi ko ipipilit itong nararamdaman ko sa kanya para ako ang piliin niya... Kaibigan niys parin ako at all. Sabi nito sa'kin

Mahal niya talaga si Dean hindi lang bilang kaibigan.. pero mas pinanatili nito ang pag kakaibigan nila.

Jema, sana sigurado kana sa totoo mong nararamdaman.. mahirap pag may pinag sisihan ka sa huli... Sige una nako sa'yo, baka kailangan narin ako ni Dean. Sabi pa nito sa'kin

Iloveyou Since Day OneWhere stories live. Discover now