Part 5"

1.3K 34 0
                                    

DEAN Pov'

Maaga akong nagising ngayong araw, dahil ayoko namang ma late sa first day ko in Ateneo. Kaya naman kahit hindi pa gising sila Nanay at Peter e nag asikaso nako. 5:00 ng magising ako, saktong sakto lang yon dahil 6:30 pa naman ang pasok ko pero kasi medjo may kalayuan ang Ateneo samin, pero wala namang problema don dahil may motor naman ako.

ng matapos ako sa pag luluto ay agad akong pumunta sa kwarto kung nasaan si Inay.

Nay, magandang umaga! masiglang bati ko kay Nanay.

Magandang umaga anak, ang aga mo naman atang gumising at ang daming energy ha. sabi sa'kin ni nanay habang inaayos ang higaan nya.

Syempre nay kailangan gumising ng maaga dahil ayoko namang ma late sa unang araw ko. naka ngiting sabi ko kay nanay.

Nako ka talagang bata ka, o sya ikaw ba'y naka kain na ha? tanong ni nanay habang kami ay lumalabas ng kwarto nya.

Opo nay naka kain nako, nakapag luto narin po ako ng almusal nyo ni Peter. sabi ko rito habang inaayos ang mga dadalhin kong gamit.

Ah ganun ba e ba't di kapa gumayak ng maaga kang maka punta sa Ateneo. sabi ni nanay

Ginising po muna kasi kita bago ako maligo. sabi ko rito saka pumunta ng kwarto para kunin ang tuwalya ko.

Sige nay, maliligo na po muna ako. paalam ko kay nanay bago tuluyang makapasok ng banyo

ng makatapos ako sa pag ligo ay dali dali narin akong nag ayos ng sarili ko, simpleng pananamit lang namn ang ginawa ko. white t-shirt at black pants and white na nike shoes, yan lng namn ang pormahan ko, di naman ako mayaman para pumorma ng bongga hahaha.

Aba ka gwapo at kabango bango namn ng panganay ko. sabi nito habang papalapit sa'kin, napangit naman ako.

Nako si kuya nauto na namn ni nanay hahaha. tsk gising na pala ang epal kong kapatid.

He! kumain kana nga lng ng kumain jan Peter. sabi ko rito, ang loko tinawanan ba namn ako.

Nga pala nay mauna napo ako ah, baka po kasi may traffic ngayon ayoko naman pong ma late. sabi ko kay nanay habang inaayos ang sintas ng sapatos ko.

O sya sige mag iingat ka anak ha, mag aaral ng mabuti. sabi ni nanay, agad ko naman syang kiniss sa ulo at umalis na.

Habang nasa kala gitnaan ako ng pag momotor ko ay bigla ko namang naisip ang kursong kinuha ko. Makakayanan ko kaya ang hirap ng kursong ito?

Pano ba naman kuhanin ko ba naman ang course na BSA Engineering Architecture, di bale na kung mahirap man ito. Ito rin namn kasi ang pangarap ko mag mula noon pa, un nga lang e hindi kaya nila nanay ang gastusin dahil sobrang laki ng gagastusin ko sa kursong iyon. Mabuti nga at naka kuha ako ng scholarship magiging madali na lang sa'kin ang lahat, basta sabi ng dean's na wag ko daw pababayaan ang pag aaral ko dahil baka daw mawala ako sa scholar kailangan kasi naming ma maintain ung grades namin. Napag kasunduan kase ng dean's na ibase ang pagiging scholar namin base daw sa grades namin.

Kaya naman nung sanabi yon e dali dali akong nag tungo sa pinag tatrabahuhan ko, at nag pabago ako ng schedule kung noon ay Monday to Friday ang pasok ko don ngayon naman ay Saturday at Sunday na lang, mabuti nga at mabait ang amo ko don sa coffee shop.

Iloveyou Since Day OneWhere stories live. Discover now