Part 26"

1K 37 1
                                    

JEMA POV'

Monday ngayon kaya naman nandito kaming mag kakaibigan ngayon sa cafeteria at kekwentuhan.

Hindi parin namin kasama si Dean dahil busy parin ito... Mabuti nga at mag mula ng mag kita kami ay hindi na muli kami nag away.

Habang nag kekwentuhan kami ay natanaw ko naman si Gel at Riri...

"Mukang lunch break na nila..." Sabi ko sa isip ko.

Agad namang kumunot ang noo ko ng makita si Dean at Carly.

Naka hawak pa talaga sa braso ni Dean si Carly at masayang nag kekwentuhan, tsk.

Jema, diba si Dean yon? Tanong ni Ellie sa'kin

Tumango lang naman ako dito.

Hindi manlang nag sabi sa'yo Jema? Tanong naman ni Jho sa'kin

Umiling lang ako dito. Hindi ko alam pero parang unti unti na ngang nawawala ung dating Dean.

Nakita ko naman ang gulat sa itsura ni Dean ng makita ako at ang mga kaibigan ko.

Agad itong pumunta palapit samin.

Hi guys, hi baby! Naka ngiti nitong bati samin

Pero ako tahimik lang at hindi siya pinansin.

Ang aga ata ng lunch niyo ngayon Dean. Sabi ni Tots dito

Umupo naman ito sa tabi ko bago nito sagutin si Tots.

Oo nga eh, mas okay yon kasi makakasabay kona kayo. Naka ngiting sabi nito samin

Napa ngisi naman ako sa sinabi niya.

Mas okay pa nga ata sa'yo na hindi mo kami kasabay. Walang gana kong sabi dito

Nakita ko naman na humarap ito sa'kin.

B, dahil na naman ba to kay Carly? Tanong nito sa'kin

Tsk, nag tanong pa siya eh alam niya narin naman pala.

Hanggang kailan ako aasa sa pangako mong lalayo kana? Hanggang kailan ko kailangang makipag talo sa'yo Dean?! Hanggang kailan ha?!. Naiinis kong sabi dito

Nakita ko namang napa kunot ito ng noo ng dahil sa sinabi ko.

Jema, ano bang hindi mo maintindihan sa kaibigan ko lang siya?! Ano bang hindi mo maintindihan na kahit lapit lapitan kopa siya ay hindi naman mag babago ang pag tingin at pag mamahal ko sa'yo. Sabi nito sa'kin halata narin sa boses nito ang inis

So pinalalabas nyang ako pa ang may mali ngayon?

So ako pa ang may mali ngayon Dean? Oo Dean kahit sabihin mong wala kang nararamdaman sa kanya at na sa'kin ang atensyon mo ay hindi moko masisisi... Wag ka namang mag paka manhid na akala mo kaibigan lang ang turing niya sa'yo. Sabi ko sa kanya

Pinipigilan ko lang talaga ang sarili kong sumigaw dahil nandito ang mga kabigan namin.


Nakita ko namang napa pikit si Dean na para bang nag pipigil narin ng galit niya.

Iloveyou Since Day OneWhere stories live. Discover now