Part 28"

1K 39 1
                                    

After 5 day's

DEAN POV'

Limang araw.. limang araw na ang lumilipas simula ng mag hiwalay kami ni Jema. Halos sa araw araw na yon ay hindi ko sinukuan si Jema.

Dahil araw araw ko itong kinukulit sa Ateneo at hanggang sa bahay nila... Kaso nga lang nung unang beses na pumunta ako don ay labis ang galit sa'kin ni Tay Jess. Hindi ko siya masisisi dahil alam kong iniingatan niya lng din ang anak niya.. pero hindi rin naman nag tagal ay pinatawan na ako nito.

Kaso si Jema.. mukang hindi niya talaga ako kaya pang patawarin sa kasalanang hindi ko naman talaga ginusto.

Nandito ako ngayon sa hospital kung saan halos tatlong araw naring nandito si Nanay.. mas lumala daw kasi ang sakit niya ngayon sa puso, at kinakailangan na mas mapadali ang gamutan sa kanya...

Anak. Tawag sa'kin ni Nanay

Agad naman akong napa lingon kay Inay at agad din siyang nilapitan.

Nay, bakit po? May masasakit po ba sa inyo? Pag aalala kong tanong dito

Umiling iling lang naman sa'kin si Nanay.

Gusto lang kitang kausapin. Kamusta kana? Tanong ni Nanay sa'kin

Hindi ko alam kung ano ang dapat kong isagot kay Nanay.. dahil hanggang ngayon ay labis parin akong na aapektohan sa nangyari samin ni Jema...

Nay hindi kopo alam, hindi ko alam kung ano bang dapat kong gawin. Sabi ko kay Nanay

Hinawakan naman nito ang kamay ko at ngumiti sa'kin.

Anak alam kong mabuti kang bata, alam kong hindi mo ginusto kung ano man ang nangyari. Pero Anak hindi mo masisisi si Jema.. lalo na't ilang beses niyo naring pinag awayan si Carly noon. Ilang beses kana rin nyang pinagbigyan.. pero Anak hindi mo siya pinahalagahan hindi mo pinahalagan ang damdamin niya. Sabi ni Nanay sa'kin

Tama naman si Nanay eh. Mali ako sa part na alam ko naman sa sarili kong higit pa sa kaibigan ang turing sa'kin ni Carly pero hindi ko manlang nagawang makinig kay Jema.

Pero Nay kaya ko lang naman po nagagawang pakisamahan si Carly ng dahil sa inyo.. dahil isa po siya sa tumulong satin para sa inyo. Sabi ko kay Nanay

Nakita ko namang napa iling iling sa'kin si Nanay.

Isa pa yan sa kamalian mo Dean, imbis na si Jema ang tumutulong sa'yo at kasa-kasama mo ay ibang tao pa.. tapos nalaman pa ni Jema sa ibang tao ang sitwasyon ko at kung bakit na papadalas ang pag sama mo kay Carly. Dean masakit yon para kay Jema.. dahil iisipin niya na ibang tao ba siya sa'yo para mag lihim di ba? Pang sesermon sa'kin ni Nanay

Ngayon mas na lilinawan nako, kung bakit ganon na lang kahirap para kay Jema ang harapin at patawarin ako.. labis labis na pala ang kasalanang nagawa ko sa kanya... Siguro nga ay deserve ko kung ano mang nangyayari sa'kin ngayon.. pero hindi deserve ng Nanay ko ang mag karoon siya ng malubhang sakit.

A-anong dapat k-kong gawin Nay? Nauutal kong tanong kay Nanay

Bigyan mo ng kalayaan si Jema, sobra siyang nasaktan Dean.. hayaan mona siya, pag pahingahin mo ung puso nyang sobra mong pinagod at sinaktan. Ikaw din pakawalan mona ung sarili mo sa hirap, tulungan mo ang sarili mong harapin ang hinaharap. Sabi ni Nanay sa'kin

Iloveyou Since Day OneWhere stories live. Discover now