Part 30"

1.2K 49 7
                                    

DEAN POV'

Ngayong araw na ang alis ko papuntang U.S, si Bei ang mag hahatid sa'kin pa puntang airport..

Peter, alagaan mong mabuti si Nanay ah.. time to time mo kung paiinumin ng gamot si Nanay wag mo kalimutan yon. Pag bilin ko kay Peter, andito pa kasi ako sa hospital

Oo kuya, ako na bahal kay Nanay.. promise hindi ko siya pababayaan dito. Sabi naman ni Peter sa'kin

Napa ngiti naman ako dito, lumapit naman ako kay Nanay.

Nay, aalis na po ako.. mag pagaling ka po ha wag ka mag alala Nay pag balik ko successful nako... Kaya dapat magaling kana pag balik ko dito ha. Sabi ko naman kay Nanay

Lumapit ako sa kanya upang mahalikan ko siya sa noo.

Ikaw din Anak, mag iingat ka doon wag mo pababayaan ang sarili mo.. alam kong kayang kaya mong harapin ang lahat. Naka ngiting sabi ni Nanay sa'kin at hinalikan din ako nito sa noo

Maya maya lang ay may kumatok na sa pinto, agad naman itong pinag buksan ni Peter... At bumungad sa'kin si Bei.

Ready kana Dean? Tanong nito sa'kin

Oo Bei, ano alis na tayo? Tanong ko dito

Tumango naman ito sa'kin ng naka ngiti.

Humarap naman ako kay Nanay at niyakap siya ng mahigpit.

Mag iingat kayo dito Nay ha, ma mimiss kita.. Sabi ko kay Nanay

Nang maramdaman kong may tutulong luha sa mga mata ko ay agad ko itong pinunasan.

Lumapit naman ako kay Peter at niyakap din ito ng mahigpit.

Ingatan at alagaan mo ang sarili mo, ganon na din si Nanay ha.. ung mga bilin ko wag mo kakalimutan. Pangako pag balik ni Kuya marami kang pasalubong sa'kin. Naka ngiti kong sabi dito

Kaya naman nakita kong napa ngiti rin ito.

Ako na bahala dito Kuya, basta ikaw mag iingat ka rin don. Sabi nito sa'kin ng naka ngiti

Tumango tango naman ako dito at ngumiti.

Kinuha kona lahat ng dadalhin ko para maka alis narin kami, ng ma ready kona lahat ay kinuha narin ni Bei ang iilan sa mga gamit ko.

Nay, Peter aalis na po ako.. mag iingat kayo ha. Paalam ko kila Nanay habang inaayos na ang mga bag's ko

Sige Anak, ikaw din wag mo pababayaan sarili mo. Sabi ni Nanay

Nang makapag paalam ako sa kanila ay lumabas na kami ng room ni Nanay.

Nandito na kami ngayon sa parking lot nilalagay na lang din namin lahat ng mga bagahe ko.. ng mailagay na lahat ay pumasok narin kami ni Bei sa loob ng kotse.

Ano, ready kana Dean? Ready kana sa bagong journey ng buhay mo? Tanong nito sa'kin

Huminga muna ako ng malalim bago siya kausapin.

Oo Bei, ready nako.. Naka ngiti kong sabi dito

Tumango naman ito sa'kin at ngumiti.

Iloveyou Since Day OneWhere stories live. Discover now