Depths 29

293 20 2
                                    

KYLEIGH HAVEN

"Y-you must be tired Rhett." agad na sagot ko sakanya ng makabawi sa pagkakagulat.

Shit. I did not expect him to say that. What was he thinking?

He smiled. "Maybe, I was." tumayo na siya kaya naman ay nakatingala na ako sakanya ngayon.

"Take care of yourself okay? I mean what I said today. Goodbye." nakatingin lang ako sakanya hanggang sa makarating siya sa tapat ng pinto. He wave goodbye before closing the door.

Matamlay na napahiga ako sa kama at nagpakawala ng malakas na buntong-hininga.

.

One day passed simula noong nakauwi na ang warriors sa Blue. Habang ako naman ay inabala ko nalang ang sarili ko sa pagpapaint kagaya ng ginagawa ko ngayon. Nasa balcony ako habang pinipaint ang tanawan na nasa harapan ko.

"Come in." sagot ko ng may kumatok sa pintuan ng kwarto ko.

"Princess.."

"Mom? What brought you here?" agad na ibinaba ko ang hawak na paint brush at hinarap siya.

Nakangiti siya habang pinagmamasdan ang kabuoan ko.

"I just want you to ready yourself as we are going to the Enchanted Kingdom later tonight."

Bahagyang nagsalubong ang kilay ko dahil sa narinig. Anong gagawin namin doon?

"What are we going to do there?"

Kinuha ni Mommy ang kamay ko at mahigpit itong hinawakan. "We will be visiting Queen Maddison and King Blade. So prepare yourself okay?"

Tinanguan ko nalang si Mom kaya ay napayakap siya saakin. "I love you dear." she whispered in my ear.

Napapikit ako at yinakap siya pabalik.

Nang sumapit na ang hapon ay kasalukuyan na kaming nakasakay sa karwahe papuntang Enchanted Kingdom. Dalawang karwahe ang gamit namin. Ang isa ay sa akin at ang isa naman ay para sa mga magulang ko.

Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan kung ano ang sadya namin sa Enchanted. Napatingin ako sa labas ng karwahe kung saan binabaybay namin ang masukal na kagubatan ng Blood Kingdom. 

Bigla akong naalarma ng may nakita akong nakacloak na nilalang na nakatingin sa karwahe ng mga magulang kong nasa unahan ko. Mas lalong kumabog ang dibdib ko ng dumapo ang tingin nito sa saksakyan ko. Mahigpit akong nakahawak sa dress ko. 

Shit.

Bigla nitong itinaas ang kanyang kamay at inilagay ang kaniyang index finger sa kanyang labi. Kahit hindi ko kita ang buo niyang mukha alam kung 'yun ang senyales na ibinigay niya. He is like delivering me a message to keep silent.

Silent of what?

Lumampas na ako sakanya kaya naman hindi ko na siya muli pang nakita. Pero ang pangyayaring 'yun ang hindi mawala sa isipan ko hanggang sa nakarating kami sa Enchanted.

Bigla tuloy nanakit ang ulo ko habang iniisip ko kung kailan ko nakita ang nilalang na 'yun. Ilang  ulit ko na ring kinagat-kagat ang ibabang labi ko hanggang sa malasahan ko na ang sarili kong dugo pero ni isang ala-ala ay walang lumitaw sa utak ko.

Who the heck is that creature?

Bumaba na ako sa karwahe at dumapo na naman ang kaba sa dibdib ko ng makaramdam ako ng isang malamig na ihip na hangin.

Napayakap ako sa braso ko. "T-the wind is so cold." I muttered. 

"There's no wind, Princess." utomatiko akong napatingin sa nagsalita sa tabi ko.

Depths of HellWhere stories live. Discover now