Depths 27

206 12 0
                                    

KYLEIGH HAVEN

Aleng Carmen— the woman a while ago did not let me go until she was sure that my body is okay. I was beyond bliss when she let me stay at her home. Doon ko rin nalaman na hindi naman ako ang kauna-unahang tao na pinatuloy ni Aleng Carmen sa bahay niya at ginamot ng libre.

Although wala naman akong balak na magpagamot sakanya ng libre dahil alam ko naman ang hirap ng buhay nila kaya hindi narin ako nagsabi sakanya na balak kong suklian ang kabutihan niya. 

Medyo malayo-layo na rin itong nilakbay ko mula sa bahay ni Aleng Carmen. Pero mukhang may nakalimutan ata akong itanong sakanya. Nawala kasi sa isip ko ang tunay na pakay ko dahil sa mga pinagsasabi niya kanina. Napailing nalang ako.

Isang oras pa ang nilakbay ko ng makarating muli ako sa bayan kaya naman ay naglakad-lakad na naman ako para pagmasdan ang paligid. Biglang kumulo ang tiyan ko kaya naman napagpasyahan kong huminto muna sa maliit na karenderya para duon kumain.

Inorder ko ang lahat na pagkain na gusto ko. Hindi nila ako makikilala ngayon kahit na hindi ako balot na balot dahil binago ko ang kulay ng mata ko. Sa lila kong mga mata madali agad nilang malaman ang pagkatao ko at isa pa malaya akong makakagalaw kung hindi nila alam ang tunay kong pagkakakilanlan.

Tahimik lang akong kumain at pinakiramdaman ang paligid ng may nagsalita. 

"Alam mo ba, lahat ng may sintomas ng grabeng pagsusuka at lagnat ay kinukuha ng mga kawal upang gamutin daw." 

Napahinto ako sa pagkain at tiningnan sila. Napansin ata nila na nakatingin ako sakanila kaya naman ay tumingin din ito saakin. Tsk.

Ibinalik ko nalang muli ang atensiyon ko sa pagkain. "Halos mag-iisang daan na mga tao ang nakuha nila mula sa bayang ito dahil sa kakaibang sakit na 'yun. Pero ni isa sakanila wala man lang tayong balita kung buhay pa ba or patay na."

Sumang-ayon naman ang isa. "Kaya nga. Yung kapitbahay ko gabi-gabi umiiyak dahil nakuha rin ang anak niyang babae. Diyos ko! Sana naman huwag tayong mahawaan."

"Balita ko hindi naman talaga nila dinadala sa syudad ang mga nahawaan. May nagsabi saakin na dinadala raw nila ito sa liblib na lugar. Baka doon nila pinapatay."

Pabagsak kong inilapag ang baso kaya naman ay napatayo sa gulat ang dalawang nag-uusap. 

"Heh! Papansin." gusto ko sanang taasan ng gitnang daliri ang ale pero hindi ko ginawa. Baka lumaking walang manners din ang anak ko kaya huwag nalang. 

Nagbayad na ako bago ako lumabas ng karenderya at nagpunta sa lugar na may bahay-bahay. Hindi naman ako nabigo dahil maraming mga tao ang nakapalibot sa isang maliit na bahay.

"Ang anak kooo. Tulooong!" hagulgol ng isang ina ng pinagtulungan ng mga kawal na buhatin ang isang lalaki at ipinasok sa karwahe. 

"Huwag kang mag-alala ale, gagawin namin ang lahat para maligtas ang anak mo." pagpapagaan ng loob ng isang kawal sa ina ng biktima na nagwawala. 

Nang makaalis ang karwahe at kaagad ko itong sinundan. Isinuot ko muli ang kapa at naglagay ng maskara sa mukha. Dahil kalahating bampira ako ay hindi naging mahirap sakin na sundan sila.

Mahigit anim na oras akong nakasunod sakanila. Mukhang tama ang sinabi ng isang Ale sa karenderya. Hindi nila dinadala sa syudad ang mga biktima kundi rito sa isang malayo at mataas na bundok.

Nang makababa ang mga kawal ay nagtago ako. 

"Sinigurado mo bang walang nakasunod saatin?"

"Oo."

Really? Are they really hiding something? Pero ang mga kawal na ito ay nasa pamamahala ng aking ama. Are they up to something? Pinapatay ba nila ang biktima imbes na gamutin ang mga ito?

Depths of HellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon