Depths 28

240 16 4
                                    

KYLEIGH HAVEN

Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko ng sinugatan ang sarili ko para makakuha lang ng sapat na dugo para sa mga biktima. I am also wondering bakit umaapekto ang dugo ko sakanila. Kaya naman mukhang mauubusan na ata ako ng dugo nito dahil nahihilo na ako.

It's been three days since I got here, pinakiusapan ko rin ang warriors na huwag ipaalam sa mga magulang ko na nandito ako dahil tiyak na papauwiin nila ako. Mabuti naman at pumayag sila 'yun ngalang may laging nakabantay saakin. 

Tatlong araw na rin si Rhett na laging sunod ng sunod saakin. Gustohin ko mang mainis pero inisinawalang bahala ko nalang ang presensiya niya. Dahil si Rhett ang kasalukuyang pinuno ng warriors, kampante naman din ang ibang kasamahan niya na si Rhett ang magbantay saakin. 

I don't know why they are protecting me though like I'm a precious gem to them. Hindi naman sila ganito nung nasa Blue pa ako. 

At isa pa napapansin ko na alagang-alaga ako ni Rhett kaya naninibago na naman ako.  Napahilot nalang ako sa sintido ko. 

"You rest first." saad ng isang seryosong boses saakin. 

Nakaupo ako sa isang parang hospital bed dito sa loob ng tent dahil nga nahilo ako. Tiningala ko ang nagsalita dahil may inilahad siyang orange sa harapan ko.

Kuminang ang mga mata ko sa nakita at napangiti. "Thank you." kinuha ko mula sakanya ang orange at binalatan iyun.

Hindi ko alam kung saan ko ilalagay ang mga balat kaya naman inilagay ko nalang ito sa lap ko pero may naglahad na naman ng kanyang kamay sa harapan ko kaya nakangiti kong inilagay sa palad niya ang mga balat ng orange.

Napapikit ako ng malasahan ko ang orange. Hindi ko na mabilang kung ilang orange na ang nalamon ko nitong mga nakaraang araw. Hindi ko rin alam kung saan kumuha ng orange si Rhett para ipakain saakin. 

"How are they?" tanong ko sakanya habang busy sa pagkain.

"They are now stable. They are slowly gaining their energy. But you just can't exhaust yourself these past few days Kyleigh. You know that it's dangerous for you." pagpapaalala na naman nito muli saakin. Tinanguan ko nalang siya.

Wala naman akong sinasabing mga bagay-bagay sakanya pero andami niyang mga pinapaalala.

"I also ask Breeze so test their blood with one of the victims but unlike yours, wala man lang pagbabago sa kondisyon nila." dagdag niya pa.

I burped. "It's okay. They have my blood run through their veins anyways. We need to make sure that the healers are making the right supplements to nourish their bodies so that I don't have to feed them with my blood again." sagot ko sa kanya.

Pagkatapos kong kumain ng orange ay agad akong tumayo at tiningnan siya. "I'll rest first. I'll leave all this matter to you for a while." hindi ko na siya hinintay na sumagot siya at naglakad na ako palabas ng tent.

Nagpunta ako sa tent na designated for warriors. Dalawa ang tent ng warriors. Ang isa ay para sa mga babae at ang isa naman ay para sa mga lalaki kaya ang kasama ko lang sa tent ay si Autumn. At dahil wala siya rito ay tahimik akong makakapagpahinga. 

Halos lahat kami walang tulog dahil binabantayan namin ang kondisyon ng mga biktima kapag gabi kasi napapansin namin iilan sakanila lumalala ang kondisyon kapag gabi. I sighed ng makahiga ako. Ipinatong ko ang braso ko sa mata  ko at inantay kung kailan ako lamunin ng antok.

.

.

"Happy birthday to you! Happy birthday to you! Happy birthday, happy birthday Dear Luci, happy birthday to you!" kumunot ang noo ko ng nakita ko ang sarili ko na kumakanta habang hawak ang isang maliit na cake.

Depths of HellWhere stories live. Discover now