Wattpad Original
There is 1 more free part

Chapter 6. Another Murder

1K 58 2
                                    


Wala pang alas-sais ng umaga, tumutunog na ang cellphone ko. Naunahan pa nito ng kaunting minuto ang alarm clock ko. Alas-sais kasi ako gumigising para makapaghanda ng breakfast at makaligo bago ko harapin ang laptop ko at magsulat. My editor, Iry, was calling me.

"Yes, Iry."

"Eva, I'm so sorry. I didn't mean to do that to you, nataranta lang talaga ako ng araw na iyon. Please patawarin mo ako, hindi na mauulit iyon," biglang bungad nito. Halata sa boses ni Iry ang pagsisisi, pati na rin ang kaba. Hindi ko maintindihan kung ano ang nangyayari sa kanya at kung bakit siya sa akin humihingi ng tawad.

"I know I shouldn't have given your contact number to the police without asking for your permission. Gusto ko lang naman makatulong sa imbestigasyon ng kawawang buntis na pinatay. Nakita ko iyon sa news at awang-awa ako sa nanay ng biktima, kaya nang tumawag ang isang babaeng pulis na nagtatanong tungkol sa 'yo dahil posible ka raw na makatulong sa kaso ay binigay ko kaagad ang number mo. I know you're good on those things, Eva. Alam kong marami kang maitutulong. In fact you might even solve the puzzles for them. Kaya naman hindi ako nagdalawang-isip. I forgot how you don't want to talk to other people if it's not absolutely necessary. I'm really really sorry." May histerya sa boses niya. Sa tono ng salita niya, parang pabalik-balik ang lakad niya sa isang maliit na kwarto, tensiyonadong-tensiyonado.

"Iry, calm down. Tell me what's happening. Wala akong maalalang kinagalitan kita o may ginawa kang hindi ko gusto."

"Iyong tungkol sa pulis..."

"Nakipagkita ako sa isang babaeng pulis. Kay Ana. She was very nice to me. She was courteous. Humingi lang ng tulong tunkol sa kaso. What's the problem there? I don't get it."

Tumahimik sa kabilang linya pero narinig kong kumalma na ang paghinga ni Iry. "Hindi mo alam?"

"Ang alin?"

"I thought you asked a lawyer to sue us—"

"Sue you? For what? Sinong lawyer?"

"Atty. River Torrez sent the publishing house a letter he was going to sue the company for breaking the contract and sending a police officer to you without your consent. It was my fault. I only wanted to help at alam kong marami kang maipapayo sa pulis na 'yon. Magaling kang mag-profile ng mga kriminal. I've seen you do that countless times when you're preparing for a book. Hindi ko naisip ang kondisyon mo. God, I'm so stupid."

Napasabunot ako sa sariling buhok. In my head, I was cursing that idiot River for doing this to her. "Iry, listen. I'll talk to River. I did not authorize him to send you that letter in the first place, so don't worry about it okay? Alam ba ng mga boss? I'll talk to them too—"

"I don't think so. The letter was only addressed to me."

Napahawak ako sa noo. I shouldn't have told that idiot! Kilala ko siya at madalas siyang pakialamero. Akala ko ngayon na busy na siya, wala na siyang time makialam pa sa mga bagay-bagay sa buhay ko, nagkamali ako. He's still as protective and proactive as ever.

"I'll call him. Don't worry about this, Iry. Wala kang kasalanan. Ako na ang kakausap sa taong iyon."

"Thank you, Eva."

Pinutol ko ang tawag at kaagad na tinawagan si River. Groggy pa ito nang sumagot, halatang nasa kama pa at ang tawag ko ang gumising dito.

"God, Ev, it's not even six o'clock yet. What are you calling me about this early?"

"What is that letter you sent to my editor?" inis kong bungad sa kanya para magising siya.

"Shit. Hang on." Natahimik sa kabilang linya; hindi ko alam kung ano ang ginawa niya. Nawala siya ng ilang minuto. Nang bumalik siya, hindi na tunog bagong gising ang sagot niya.

The Dark Side of EveWhere stories live. Discover now