Wattpad Original
Mayroong 6 pang mga libreng parte

Chapter 1. Dark Eve

5.7K 126 4
                                    


"Eva! You really should come here and see this for yourself!" excited na bungad sa telepono ng kaibigan kong senior editor ng kompanyang nagpa-publish ng mga libro ko. It's my book launch today. Usually, may book signing sessions ang mga normal na writer, may pa-online interview, at may pa-shout out sa lahat ng social media platforms.

I was never a normal writer.

I launched my career few years back as an anonymous writer for one of the biggest online reading apps in the country. Marami ang tumangkilik sa mga libro ko. I earned a million followers online, hanggang sa makatanggap na ako ng mga offer mula sa malalaking publishing houses sa bansa. At doon na nga nagsimula ang career ko bilang manunulat. Suspense-thriller ang genre ng mga libro ko. My first book was a great success; it sold thousands on the first day of launch na kinailangan ng publishers na mag-rush ng reprint para mapunan ang demands. I never expected that kind of acceptance from people. Nagsusulat ako para lang makatakas sa reyalidad, para sa sarili kong peace of mind, pero hindi ko inaasahang tatangkilikin iyon ng madla. Simula noon, nagsunod-sunod na ang mga librong nai-publish ko. Naging topic ang mga ito sa social media at naging laman ng mga meme na kumakalat sa internet.

Hindi na mabilang ang pagkakataon na hinimok ako ng publisher ko na magpakita ng mukha sa publiko. I never had that courage. Sa kabila ng kasikatan ng pen name ko, ayokong malaman ng mga tao kung sino ang writer sa likod ng pangalang 'Dark Eve' dahil pihadong hindi nila magugustuhan. Kung gusto kong panatilihin ang pagmamahal ng mga tao sa libro ko, kailangan kong magtago sa dilim. Iyon lamang ang paraan para patuloy kong magawa ang kaisa-isang bagay na nagbibigay sa akin ng kasiyahan—ang pagsusulat.

Ito nga ang isa sa mga pagkakataon na sinusubok na naman ang tatag ko. Readers were insisting for my presence again during this book launch. Habang tumatagal, mas lalong bumibigat ang pressure na maitago ko ang katauhan ko.

"We received an offer from several local and international TV stations, hinihiling nila na i-feature ka. Your books are trending in Twitter, too! Ano na, Eva, lumabas ka na sa lungga mo. Hinahanap ka ng fans mo. Gusto nilang makita ang mukha mo," excited na turan ni Iry.

Mataman akong tumitig sa screen ng laptop ko kung saan may live broadcast ng mahabang pila ng mga taong gustong makakuha ng kopya ng bagong labas kong libro. "Hindi nila ako magugustuhan."

"Are you kidding me? You are dazzling gorgeous! Kasing-ganda mo ang mga sinusulat mong novels. Kapag lumabas ka ngayon dito sa book launch, sigurado akong magkakaroon ng stampede!"

Si Iry at iilang mga boss ng publishing house lang ang nakakakilala sa akin at gusto kong manatili iyon. It was part of the contract I signed with them. They will never demand my presence in any of my book advertisements, and under no circumstance will they disclose the author behind the pen name too.

I'm sick. Social Anxiety Disorder is what this was called apparently. The only psychiatrist I see was my father. The only way of getting better was for me to gradually face my fear and try to reach out to people. Pero kahit na gustuhin ko, hindi ko pwedeng gawin. I can't take the risk of building people's curiosity and when they start digging about me, they will not like what they will discover. They will disgust me for sure. There were secrets that best remain hidden than to be out in the open. Mas malala ang consequence kapag ipinakilala ko ang sarili ko sa mundo. So I take medicines instead. For my anxiety.

"Eva, alam ko na. Bakit hindi ka na lang pumunta rito wearing your gorgeous green mask? Yung sinuot mo nung nag-private meeting tayo sa mga boss, hindi ka na nila makikilala n'on," giit pa rin ni Iry.

"No, Iry. I'm sorry. Napag-usapan na natin 'to, 'di ba? Look, I need to hang up now."

Nang ibaba ko ang telepono, pumasok naman kaagad ang tawag ng sekretarya ng ama ko. Kumunot ang noo ko dahil hindi ako sanay na nakakatanggap ng tawag mula sa office ni Dad. We were not exactly close. Magkabaliktad kami sa lahat ng bagay. Kung ako, gusto ko ng tahimik na buhay, siya, gusto niya ay nasa limelight siya lagi. My father was a renowned psychiatrist-turned-politician. Kasalukuyan itong senador sa bansa at base sa mga napapanood ko sa balita, tatakbo siya sa susunod na eleksyon bilang presidente. Mataas ang ratings niya at mahal siya ng mga tao. Maganda ang imahe ni Dad sa publiko. Kayang-kaya niyang laruin ang emosyon ng mga tao, at alam na alam niya kung paano mapaamo ang mga ito. Hindi nakapagtataka dahil magaling na psychiatrist si Dad, ultimo kriminal na halang ang kaluluwa ay napapaamo niya.

The Dark Side of EveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon